عن ثوبان - رضي الله عنه- مولى رسول الله صلى الله عليه وسلم قَالَ: قَالَ رسولُ اللَّه -صَلّى اللهُ عَلَيْهِ وسَلَّم-: «َأفضل دينار ينُفِقُهُ الرجل: دينار ينفقه على عياله، ودينار ينفقه على دَابَّتِهِ في سبيل الله، ودينار ينفقه على أصحابه في سبيل الله».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Thawbān, malugod si Allāh sa kanya, ang alila ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang pinakamainam na dīnār na gugugulin ng lalaki ay dīnār na gugugulin niya sa mag-anak niya, dīnār na gugugulin niya sa sasakyang hayop niya sa Landas ni Allāh, at dīnār na gugugulin niya sa mga kasamahan niya sa Landas ni Allāh."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Ang pinakamainam sa mga yamang gugugulin ng lalaki alang-alang sa kabutihan ay yamang gugugulin niya sa mag-anak niya, yamang gugugulin niya sa sasakyang hayop niyang nagdadala sa kanya sa pagtalima kay Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, gaya ng pakikibaka at iba pa rito, yamang gugugulin niya sa mga kasamahan niya sa sa pagtalima kay Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan.