عن أبي هريرة رضي الله عنه مرفوعاً: «كل أمتي يدخلون الجنة إلا من أَبَى». قيل: ومَنْ يَأْبَى يا رسول الله؟ قال: «من أطاعني دخل الجنة، ومن عصاني فقد أَبَى».
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Lahat ng kalipunan ko ay papasok sa Paraiso maliban sa sinumang umayaw." Sinabi: "At sino po ang aayaw, o Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang sinumang tumalima sa akin ay papasok sa Paraiso at ang sinumang sumuway sa akin ay umayaw nga."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
Isinasalaysay ni Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbalita ng nakalulugod sa Kalipunan niya sapagkat nagsabi siya: "Lahat ng kalipunan ko ay papasok sa Paraiso..." Tumutukoy ito sa kalipunang tumugon. Pagkatapos ay nagpasubali ang Propeta, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga, sapagkat nagsabi siya: "maliban sa sinumang umayaw..." Nangangahulugan ito: ang sinumang sumuway kabilang sa kanila sa pamamagitan ng paghinto sa pagtalima na siyang dahilan ng pagpasok sa Paraiso dahil ang sinumang huminto sa paggawa sa dahilan ng isang bagay na hindi iiral ito sa pamamagitan ng iba pang dahilan ay umayaw nga o tumanggi. Ang pagbukod sa kanila ay isang pagtuligsa sa kanila, o ninais niyang tukuyin ang kalipunang inanyayahan. Ang sinumang umayaw ay ang sinumang tumangging sumampalataya sa pamamagitan ng pagtanggi sa pagtanggap sa pag-anyaya. Nagsabi ang mararangal na Kasamahan: "Sinabi: 'At sino po ang aayaw, o Sugo ni Allāh?'" Kaya sumagot sa kanila ang Propeta, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga: "Ang sinumang tumalima sa akin..." Nangangahulugan ito: [ang sinumang] nagpaakay at sumuko sa [mensaheng] inihatid ko "ay papasok sa Paraiso." Tungkol naman sa "sinumang sumuway sa akin" sa pamamagitan ng hindi paniniwala o paggawa ng ipinagbabawal "ay umayaw nga." Nangangahulugan ito: magkakamit siya ng masamang kahihinatnan dahil sa pag-ayaw niya. Alinsunod dito, ang sinumang umayaw, kung siya ay isang Kāfir, hindi siya papasok Paraiso sa simula pa lamang; kung siya naman ay isang Muslim, tunay na siya ay hindi papasok hanggang sa madalisay siya sa Impiyerno ngunit maaari rin niyang makamit ang paumanhin at hindi na pagdurusahin sa simula pa lamang kahit pa man nagawa niya ang lahat ng mga pagsuway. At-Taysīr bi-Sharḥ Al-Jāmi` Aṣ-Ṣaghīr ni Manāwī, Ika-3 Limbag, Maktabah Al-Imām Ash-Shāfi`īy, Riyādh, Tomo 2/ p. 211.