+ -

عن جابر بن عبد الله رضي الله عنهما أنّ النبيَّ صلى الله عليه وسلم قال: «أُعْطِيتُ خمسا، لم يُعْطَهُنَّ أحد من الأنبياء قبلي: نُصِرْتُ بالرعب مسيرة شهر، وجُعِلَت لي الأرض مسجدا وطَهُورا، فأَيَّمَا رجل من أمتي أدركته الصلاة فَلْيُصَلِّ، وأُحِلَّت لي المغانم، ولم تحلَّ لأحد قبلي، وأُعْطِيتُ الشفاعة، وكان النبي يُبْعَثُ إلى قومه خاصة، وبُعِثتُ إلى الناس عامَة».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Jābir bin 'Abdillāh -malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfū:((Ipinagkaloob sa akin ang limang bagay, na hindi kailanman ipinagkaloob sa sinuman mula sa mga propetang nauna sa akin:Tinulungan ako [ni Allah] sa pamamagitan ng pagsindak [sa kalaban] kahit sa layo ng isang buwan na paglalakbay,At ginawa para sa akin ang lupa upang [maging lugar na] pinagpapatirapaan at gawing panlinis,Kaya kahit sino mula sa aking Ummah, ang abutan ng [oras ng] pagdarasal,ay magdasal siya, Ipinahintulot sa akin ang mga nadambong, at hindi ito ipinahintulot sa mga nauna sa akin,at ipinagkaloob sa akin ang pamamagitan, at ang propeta ay ipinapadala sa kanyang sariling tao lamang, at Ako ay ipinadala sa buong sangkatauhan))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Itinalaga para lamang sa Propeta natin-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-mula sa ibang mga propeta,ang mga mararangal na katangian, at natatangi siya sa mga magagandang bagay na hindi [ipinagkaloob] sa mga naunang propeta-sumakanila ang pangangalaga-Kaya nakamit ng Ummah ni Muhammad-dahil sa pagpapala sa marangal at mapalad na Propetang ito-ang mga bagay mula sa kainaman at kabutihan.At kabilang sa mga ito: Ang naisalaysay sa Hadith na ito,mula sa limang maluwalhating katangian: Una rito: Katotohanang si Allah-Pagkataas-taas Niya ay tinulungan siya,at sinupurtahan siya laban sa mga kalaban nito,sa pamamagitan ng pagsindak,na dumatal sa kanyang mga kaaway,naging dahilan ito ng panghihina nila,at pagkawatak-watak ng mga linya nila,kahit na ang Propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nasa layo ng isang buwan ng paglalakbay mula sa kanila,bilang tulong mula kay Allah at pagtagumpay sa kanyang Propeta,at pag-alipusta at pagtalo sa mga kalaban ng relihiyon niya,at walang pag-aalinlangan na ito ay isang napakalaking tulong mula kay Allah -pagkataas-taas Niya.Ang ikalawa nito: Katotohanang si Allah-Pagkataas-taas Niya-ay naging maluwag para sa kanyang marangal na propeta-at sa Ummah nitong kamahal-mahal, Kung saan ay ginawa para sa kanya ang lupa upang [maging lugar na] pinagpapatirapaan,at kahit saan sila abutan ng [oras ng] pagdarasal, sila ay magdadasal, hindi ito pinipili sa mga nakatalagang lugar,tulad ng mga nauna sa kanila,[kung saan ay] hindi sila nagsasagawa ng pagdarasal maliban sa simbahan,o pinagdadasalan,at sa mga tulad nito. Sapagkat tunay na tinanggal ni Allah sa Ummah na ito ang pagpapahihirap at pagpapasikip, dahil sa kainaman nito at mga kabutihan.,pagpaparangal at pagbibiyaya.At gayundin ang mga nauna sa Ummah na ito ay hindi nakakapaglinis maliban sa paggamit ng tubig,subalit sa Ummah na ito, ay ipinahintulot ang lupa bilang panlinis sa sinumang hindi makatagpo ng tubig na panlinis. At sa katulad nito na walang kakayahan sa paggamit nito [ng tubig] dahil ikapipinsala niya ito, Ang ikatlo : Tunay na ang mga nadambong na nakukuha mula sa mga hindi mananampalataya at nakikipaglaban ay ginawang halāl o ipinahintulot sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at sa Ummah niya,binabahagi niya ito sa pagitan ni Allah-pagkataas-taas Niya- pagkatapos nitong maging bawal sa mga naunang Propeta at Ummah. Sapagkat ito ay iniipon nila,at kapag tinanggap ni Allah ang kanilang mga gawain,mahuhulog rito ang apoy mula sa kalangitan At susunugin niya ito.Ang ikalima: Tunay na si Allah-Napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas,ay ipinagkaloob para lamang sa kanya [Propeta Muhammad], ang mainam na Kalalagyan,at ang dakilang pamagitan, sa Araw na naaantala sa kanya ang mga tanyag na mga Sugo sa lugar na tinatayuan sa paghuhukom sa kabilang buhay,Sasabihin Niya: Ako ay para sa kanya,at siya ay magpapatirapa sa ilalim ng Trono[ng Allah], At Luluwalhatiin si Allāh-pagkataas-taas Niya-batay sa naaangkop para sa Kanya- at magsasabi Siyang: Mamagitan ka at [ipagkakaloob sa iyo ang iyong] pamamagitan, humiling ka at itoy pagkakaloob sa iyo, Sa mga oras na ito ay hihilingin niya sa Allāh ang mamagitan sa mga nilikha, na mahiwalay sila sa pagitan nila sa matagal na kinalalagyang ito.,at ito ang mainam na kinalalagyan, na siyang kinaiinggitan ng mga una at huli.At ang ikalima nito: Tunay na ang bawat propeta mula sa mga sinaunang propeta ay nakatalaga lamang ang kanilang pag-aanyaya sa kanilang mga tao.At katotohanang,Ginawa ng Allāh -pagkataas-taas Niya- ang Kanyang Batas o Shariah-na naaangkop sa lahat ng panahon at lugar.At nang [magkaroon ito] ng ganitong kabutihan at pagkaganap,ito na ang magiging huli,sapagkat hindi na ito nangangailangan ng pagdaragdag at pagbabawas,at ginawa itong pangkalahatan, Dahil sa napapaloob rito mula sa mga sangkap na [ito ay] matitira at mananatili

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Aleman Pushto Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية الرومانية Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan