عن ابنِ عُمَرَ رضي الله عنهما ، قال: كُنَّا على عَهْدِ رسولِ اللهِ صلى الله عليه وسلم نَأْكُلُ ونحنُ نَمْشِي، ونَشْرَبُ ونحنُ قِيَامٌ.
[صحيح] - [رواه الترمذي وابن ماجه وأحمد]
المزيــد ...
Ayon kay Ibnu `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Kami noon sa panahon ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay kumakain habang kami ay naglalakad at umiinom habang kami ay nakatayo."
[Tumpak] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
Ang gawain ng mga Kasamahan, malugod si Allah sa kanila, ay nagpapatunay na ang pag-inom nang nakatayo ay ipinahihintulot dahil sa pagkilala ng Propeta, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga, doon. Ang pinakamainam sa pagkain at pag-inom ay na ang tao ay nakaupo dahil ito ang patnubay ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: hindi siya kakain habang siya ay nakatayo at hindi siya iinom habang siya ay nakatayo. Ang pag-inom naman habang nakatayo ay tunay na napagtibay mula sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na sinaway niya iyon subalit ang ḥadīth na ito ay isang patunay na ang pagsaway ay hindi naman para ipagbawal subalit ito ay taliwas sa una ayon sa kahulugang ang pinakamaganda at ang pinakalubos ay na uminom ang tao habang siya ay nakaupo at kumain siya habang siya ay nakaupo subalit wala namang masama na uminom habang siya ay nakatayo at kumain habang siya ay nakatayo.