عن أبي بَرْزَةَ نَضْلَةَ بن عبيد الأسلمي رضي الله عنه مرفوعاً: «لا تَزُولُ قَدَمَا عَبْدٍ يَومَ القِيَامَةِ حَتَّى يُسْأَلَ عَنْ عُمُرِهِ فِيمَ أَفْنَاهُ؟ وَعَنْ عِلْمِهِ فِيمَ فَعَلَ فِيهِ؟ وَعَنْ مَالِهِ مِنْ أَيْنَ اكْتَسَبَهُ؟ وفِيمَ أَنْفَقَهُ؟ وَعَنْ جِسْمِهِ فِيمَ أَبْلَاهُ؟».
[صحيح] - [رواه الترمذي والدارمي]
المزيــد ...
Mula kay Abu Barzah Nadhlah Ibn Ubaid Al-aslamiy -Malugod sa kanya ang Allah-: ((Hindi makakagalaw ang dalawang paa ng isang alipin sa kabilang araw hangga't maitanong siya hinggil sa kanyang edad kung saan niya ito ginamit? at sa kanyang kaalaman kung ano ang ginawa niya dito? at sa kanyang kayamanan kung saan niya ito kinuha at kung saan niya ito ginastos? at sa kanyang pangangatawan kung papano niya ito nilustay?)).
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Nagsalaysay nito si Imām Ad-Dārimīy]
Hindi makakagalaw ang dalawang paa ng isang alipin mula sa kanyang kinatatayuan para maisagawa ang pagtimbang ng mga gawain niyang mabubuti at masasama, papuntang paraiso o patungong impyerno hangga't maitanong siya muna siya hinggil sa kanyang buhay dito sa mundong ibabaw kung pano niya itong ginamit, sa kabutihan o sa kasamaan? at sa kanyang kaalaman kung ano ang ginawa niya dito, isinakatuparan niya ba ito o hindi? at sa kanyang kayamanan kung saan niya ito kinuha, mula sa haram o halal? at papaano niya ito nilustay o ginastos, sa kawang gawa o kabutihan ba o sa paglabag sa batas ng dakilang Allah? at sa kanyang pangangatawan kung pano at saan niya ito ginamit, sa kabutihan o kasamaan?.