+ -

عَنْ عَبْدِ اللهِ بْنِ عَمْرِو بْنِ العَاصِ رضي الله عنهما قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«إِنَّ اللهَ سَيُخَلِّصُ رَجُلًا مِنْ أُمَّتِي عَلَى رُءُوسِ الْخَلَائِقِ يَوْمَ الْقِيَامَةِ، فَيَنْشُرُ عَلَيْهِ تِسْعَةً وَتِسْعِينَ سِجِلًّا، كُلُّ سِجِلٍّ مِثْلُ مَدِّ الْبَصَرِ، ثُمَّ يَقُولُ: أَتُنْكِرُ مِنْ هَذَا شَيْئًا؟ أَظَلَمَكَ كَتَبَتِي الْحَافِظُونَ؟ فَيَقُولُ: لَا يَا رَبِّ، فَيَقُولُ: أَفَلَكَ عُذْرٌ؟ فَيَقُولُ: لَا يَا رَبِّ، فَيَقُولُ: بَلَى إِنَّ لَكَ عِنْدَنَا حَسَنَةً، فَإِنَّهُ لَا ظُلْمَ عَلَيْكَ الْيَوْمَ، فَتُخْرَجُ بِطَاقَةٌ فِيهَا: أَشْهَدُ أَنْ لَا إِلَهَ إِلَّا اللهُ وَأَشْهَدُ أَنَّ مُحَمَّدًا عَبْدُهُ وَرَسُولُهُ، فَيَقُولُ: احْضُرْ وَزْنَكَ، فَيَقُولُ: يَا رَبِّ مَا هَذِهِ الْبِطَاقَةُ مَعَ هَذِهِ السِّجِلَّاتِ؟ فَقَالَ: إِنَّكَ لَا تُظْلَمُ، قَالَ: فَتُوضَعُ السِّجِلَّاتُ فِي كِفَّةٍ، وَالْبِطَاقَةُ فِي كِفَّةٍ، فَطَاشَتِ السِّجِلَّاتُ، وَثَقُلَتِ الْبِطَاقَةُ، فَلَا يَثْقُلُ مَعَ اسْمِ اللهِ شَيْءٌ».

[صحيح] - [رواه الترمذي وابن ماجه] - [سنن الترمذي: 2639]
المزيــد ...

Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Tunay na si Allāh ay magtatangi ng isang lalaki kabilang sa Kalipunan ko sa mga harap ng mga nilikha sa Araw ng Pagbangon, saka maglalatag doon ng siyamnapu't siyam na talaan, na bawat talaan ay tulad ng layo ng abot ng paningin. Pagkatapos magsasabi Siya: "Nagkakaila ka ba mula rito ng anuman? Lumabag ba sa katarungan sa iyo ang tagasulat Ko na mga tagapag-ingat?" Kaya magsasabi ito: "Hindi, O Panginoon ko." Kaya magsasabi Siya: "Kaya mayroon ka bang isang maidadahilan?" Kaya magsasabi ito: "Wala, O Panginoon ko." Kaya magsasabi Siya: "Bagkus tunay na mayroon ka sa ganang Amin na isang magandang gawa. Kaya naman tunay na walang kawalang-katarungan sa iyo sa araw na ito." Kaya may lalabas na isang tarheta na may nasaad dito na: "Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya." Saka magsasabi Siya: "Magdala ka ng timbang mo." Kaya magsasabi ito: "O Panginoon ko, ano ang tarhetang ito kasama ng mga talaang ito?" Kaya nagsabi Siya: "Tunay na ikaw ay hindi lalabagin sa katarungan." Kaya ilalagay ang mga talaan sa isang sahuran [ng timbangan] at ang tarheta sa isang sahuran [ng timbangan], saka gagaan ang mga talaan at bibigat ang tarheta sapagkat walang bumibigat higit sa ngalan ni Allāh na anuman.}

[Tumpak] - - [سنن الترمذي - 2639]

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na tunay na si Allāh ay pipili ng isang lalaki kabilang sa Kalipunan niya sa mga harap ng mga nilikha sa Araw ng Pagbangon, na tatawagin upang tuusin, kaya may ilalahad sa kanya na siyamnapu't siyam na talaan, na mga pahina ng mga masagwang gawa niya na ginagawa niya noon sa Mundo. Ang haba ng bawat talaan ay tulad ng layo ng abot ng paningin. Pagkatapos magsasabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa lalaking ito: "Nagkakaila ka ba ng anuman mula sa nakasulat sa mga talaang ito? Lumabag ba sa katarungan sa iyo ang mga anghel Ko na mga tagapag-ingat na mga tagasulat?" Kaya magsasabi ang lalaki: "Hindi, O Panginoon ko." Kaya magsasabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): "Kaya mayroon ka bang isang maidadahilan na maipandadahilan mo mula sa ipinauna mo na mga gawain sa Mundo, kabilang sa pagiging iyon ay isang pagkalingat o isang pagkakamali o isang kamangmangan?" Kaya magsasabi ang lalaki: "Wala, O Panginoon ko; wala akong maidadahilan." Kaya magsasabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): "Bagkus tunay na mayroon ka sa ganang Amin na isang magandang gawa. Tunay na walang kawalang-katarungan laban sa iyo sa araw na ito." Kaya may maglalabas ng isang tarheta na may nasaad dito na: "Sumasaksi ako na walang Diyos kundi si Allāh at sumasaksi ako na si Muḥammad ay Lingkod Niya at Sugo Niya." Saka magsasabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa lalaking ito: "Ilahad mo ang timbangan mo." Kaya magsasabi naman ang lalaki habang nagugulat: "O Panginoon ko! Ano ang timbang ng tarhetang ito kasama ng mga talaang ito?" Kaya magsasabi si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): "Walang magaganap sa iyo na kawalang-katarungan." Nagsabi siya: "Kaya ilalagay ang mga talaan sa isang sahuran [ng timbangan] at ang tarheta sa isang sahuran [ng timbangan], saka gagaan ang sahuran na naroon ang mga talaan at kikiling at bibigat ang sahuran na naroon ang tarheta, saka magpapatawad si Allāh sa kanya."

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka الفولانية Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga اليونانية الأوزبكية الأوكرانية الجورجية المقدونية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang kadakilaan ng Pangungusap ng Tawḥīd: ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh, at ang bigat nito sa timbangan [ng mga gawa].
  2. Hindi nakasasapat ang pagsabi na walang Diyos kundi si Allāh sa pamamagitan ng dila lamang; bagkus kailangan ng kaalaman sa kahulugan nito at paggawa ayon sa kahilingan nito.
  3. Ang pagpapakawagas at ang lakas ng Tawḥīd ay isang kadahilanan ng pagtatakip-sala sa mga pagkakasala.
  4. Ang pananampalataya ay nagkakalamangan ayon sa pagkakalamangan ng nasa mga puso na pagpapakawagas kaya ang ilan sa mga tao ay maaaring nagsasabi ng pangungusap na ito subalit pagdurusahin siya ayon sa sukat ng mga pagkakasala niya.
Ang karagdagan