+ -

عن أبي سعيد وأبي هريرة رضي الله عنهما مرفوعاً: «ما يُصيب المسلم من نَصب، ولا وصَب، ولا هَمِّ، ولا حَزن، ولا أَذى، ولا غَمِّ، حتى الشوكة يُشاكها إلا كفر الله بها من خطاياه».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kina Abū Sa`īd at Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: "Walang dumadapo sa Muslim na kapaguran ni karamdaman ni kabalisaan ni kalungkutan ni kapinsalaan ni kapighatian − pati na ang tinik na tumuturok sa kanya − na hindi ipambabayad-sala ni Allāh iyon sa ilan sa mga kamalian niya."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ang kahulugan ng ḥadīth: Na ang dumadapo sa Muslim na mga karamdaman, mga kabalisaan, mga lungkot, mga pighati, mga sakuna, mga kasawian, pangamba, at bagabag ay panakip-sala iyon sa mga pagkakasala niya at pang-alis sa mga kamalian niya. Kapag idinagdag ng tao doon ang pagtitiis at ang pag-asa, ibig sabihin: ang pag-asa sa gantimpala, magkakamit siya, kalakip nito, ng gantimpala. Ang mga kasawian ay nasa dalawang anyo: Magkaminsan, kapag dinapuan nito ang tao ay naaalaala niya ang gantimpala at umaasa siya sa gantimpala sa kasawiang ito mula kay Allāh, kaya naman magkakaroon ng dalawang pakinabang: pagtatakip sa mga pagkakasala at pagkadaragdag sa mga magandang gawa. Magkaminsan naman, nakakaligtaas niya ito kaya naman naninikip ang dibdib niya at dinadapuan siya ng pananawa o nakakawangis nito. Nakakaligtaan niya ang paglalayon ng pag-asa sa kabayaran at gantimpala mula kay Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, gaya ng naunang nabanggit. Dahil dito, nararapat sa tao, kapag dinapuan ng kahit tinik, na pakaalalahanin ang pag-asa sa gantimpala mula kay Allāh dahil sa dinanas upang gantimpalaan siya dahil doon kalakip ng pagtatakip nito sa mga pagkakasala. Ito ay bahagi ng biyaya ni Allāh, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas, ng kagalantehan Niya, at ng pagkamapagbigay Niya yamang sinusubok ang mananampalataya, pagkatapos ay ginagantimpalaan ito dahil sa pagsubok na ito o pinagtatakpan ito sa mga masagawang gawa nito. Pagtawag-pansin: Ang pagpawi sa mga kamalian ay nagaganap sa mga maliit na kasalanan hindi sa mga malaking kasalanan na walang papawi maliban ang tapat na pagbabalik-loob.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف Luqadda Asariga الأوكرانية الجورجية
Paglalahad ng mga salin