عن أبي هريرة رضي الله عنه أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال:
«حُجِبَتِ النَّارُ بِالشَّهَوَاتِ، وَحُجِبَتِ الْجَنَّةُ بِالْمَكَارِهِ».
[صحيح] - [رواه البخاري] - [صحيح البخاري: 6487]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Tinabingan ang Impiyerno ng mga pinipithaya at tinabingan ang Paraiso ng mga kinasusuklaman."}
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy] - [صحيح البخاري - 6487]
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Impiyerno ay napaliligiran at napalilibutan ng mga bagay na ninanasa ng kaluluwa na paggawa ng mga ipinagbabawal o pagkukulang sa mga tungkulin. Kaya ang sinumang nagpasunod ng sarili niya sa pithaya nito roon, naging karapat-dapat siya sa Impiyerno. Ang Paraiso ay napaliligiran at napalilibutan ng mga bagay na kinasusuklaman ng kaluluwa gaya ng pagsisikhay sa mga ipinag-uutos, pagwaksi ng mga ipinagbabawal, at pagtitiis para roon. Kaya kapag sumuong siya at nakibaka sa sarili niya roon, magiging karapat-dapat siya sa pagpasok sa Paraiso.