+ -

عن حكيم بن حِزَام رضي الله عنه قال: سألت رسول الله صلى الله عليه وسلم فأعطاني، ثم سَألته فأعطاني، ثم سألته فأعطاني، ثم قال: «يا حكيمُ، إن هذا المال خَضِرٌ حُلْوٌ، فمن أخذه بِسَخاوَة نفس بُورِك له فيه، ومن أخذه بإشراف نفس لم يُبَارَك له فيه، وكان كالذي يأكل ولا يَشَبَع، واليدُ العُليا خيرٌ من اليد السُفلى» قال حكيم: فقلت: يا رسول الله، والذي بعثك بالحق لا أرْزَأُ أحدًا بَعدك شيئاً حتى أفارق الدنيا، فكان أبو بكر رضي الله عنه يَدعو حكيماً ليُعطيه العَطَاءَ، فيأبى أن يقبل منه شيئاً، ثم إن عمر رضي الله عنه دعاه ليُعطيه فأبى أن يَقبله. فقال: يا معشر المسلمين، أُشهدكم على حكيم أني أعْرِض عليه حقه الذي قَسَمَه الله له في هذا الفَيْء فيَأبى أن يأخذه. فلم يَرْزَأْ حكيم أحدًا من الناس بعد النبي صلى الله عليه وسلم حتى تُوفي.
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Ḥakīm bin Ḥizām, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Humingi ako sa Sugo ni Allāh, (s), at binigyan niya ako. Pagkatapos ay humingi ako sa kanya at binigyan niya ako. Pagkatapos ay humingi ako sa kanya at binigyan niya ako. Pagkatapos ay nagsabi siya: 'O Ḥakīm, tunay na ang yamang ito ay kaakit-akit at matamis. Ang sinumang kumuha nito dala ng pagkamapagbigay ng sarili, pagpapalain siya dahil doon. Ang sinumang kumuha nito dala ng pag-iimbot ng sarili, hindi siya pagpapalain dahil doon. Siya ay naging gaya ng kumakain at hindi nabubusog. Ang mataas na kamay ay mainam kaysa sa mababang kamay.'" Nagsabi pa si Ḥakīm: "Kaya nagsabi ako: 'O Sugo ni Allāh, sumpa man sa Kanya na nagpadala sa iyo dala ang katotohanan, hindi ako kukuha sa isa man matapos mo ng anuman hanggang sa hiwalayan ko ang mundo.' Si Abū Bakr, malugod si Allāh sa kanya, ay nag-aanyaya kay Ḥakīm upang bigyan siya ng kaloob ngunit tumatanggi siya na tumanggap mula rito ng anuman. Pagkatapos, tunay na si `Umar, (r), ay nag-aanyaya sa kanya upang bigyan siya ngunit tumatanggi siyang tanggapin ito. Kaya nagsabi ito: 'O kalipunan ng mga Muslim, pinasasaksi ko kayo kay Ḥakīm na ako ay nag-aalok sa kanya ng karapatan niya na ibinahagi ni Allāh para sa kanya sa nasamsam na ito sa digmaan ngunit tumatanggi siyang kunin ito.' Kaya hindi na kumuha si Ḥakīm sa isa man sa mga tao pagkatapos ng Propeta, (s), hanggang sa sumakabilang-buhay siya."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ang kahulugan ng ḥadīth: Na si Ḥakīm bin Ḥizām, malugod si Allāh sa kanya, ay pumunta Propeta, (s), upang humingi ng salapi at binigyan naman niya ito. Pagkatapos ay humingi na naman ito at binigyan niya ito. Pagkatapos ay humingi na naman ito at binigyan niya ito. Pagkatapos ay nagsabi siya rito: "O Ḥakīm, tunay na ang yamang ito ay kaakit-akit at matamis." Ibig sabihin: Isang bagay na kaibig-ibig na kanai-nais na ninanais ng mga kaluluwa at hinahangad ng mga ito ayon sa kalikasan ng mga ito gaya ng pagkaibig ng mga ito sa prutas na katakam-takam tingnan, na matamis ang lasa. Pagkatapos ay nagsabi siya: "Ang sinumang kumuha nito dala ng pagkamapagbigay ng sarili," ay nangangahulugang: Ang sinumang nagtamo nito dala ng kabutihan ng sarili, at walang pagpupumilit, kasibaan, at pagnanasa ay pagpapalain siya dahil doon. Ilalagay ni Allāh sa kanya dahil doon ang pagpapala kaya naman lalago at dadami, kahit pa man kakaunti. Tutustusan siya ng kasiyahan kaya siya ay magiging mayaman ang diwa, panatag ang puso, at mamumuhay siya nang maligaya dahil doon. "Ang sinumang kumuha nito dala ng pag-iimobt ng sarili," ay nangangahulugang: dala ng pagnanasa nito roon, ng pagkahumaling nito roon, at ng pagkahilig nito roon. "hindi siya pagpapalain dahil doon." Ibig sabihin: aalisin ni Allāh sa kanya ang pagpapala at pagkakaitan siya ng kasiyahan kaya siya ay magiging maralita ang diwa palagi kahit pa man binigyan ng mga kayamanan ng mundo. May nasaad ayon sa kahulugan nito na isinaysay ni Muslim: "Ako lamang ay isang tagaingat-yaman. Ang sinumang binigyan ko nito dala ng kabutihan ng sarili ay pagpapalain siya dahil dito. Ang sinumang binigyan ko dala ng panghihingi at kasibaan, siya ay gaya ng kumakain at hindi nabubusog." "siya ay gaya ng kumakain at hindi nabubusog." ay nangangahulugang gaya ng matakaw na hindi nabubusog ng pagkain kahit anuman ang kinain niya mula roon. Kapag ito ay ang kalagayan ng kumukuha niyon nang may pagpapakarangal, papaano na ang kumuha niyon sa pamamgitan ng panghihingi? Ito ay magiging malayong malayo. Dahil dito nagsabi ang Propea, (s), kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb: "Ang anumang dumating sa iyo mula sa yamang ito, samantalang ikaw ay hindi nag-iimbot at hindi nanghihingi, ay kunin mo. Ang anumang hindi [dumating] ay huwag mong pasundan ito ng sarili mo." Nangangahulugan ito na ang anumang dumating sa iyo nang may pag-iimbot ng sarili, pagnanasa, at pag-aasam ay huwang mong kunin iyon. Ang anumang dumating sa iyo dala ng panghihingi ay huwag mong kunin iyon. "Ang mataas na kamay ay mainam kaysa sa mababang kamay." ay nangangahulugang ang kamay na nagpipigil manghingi ay mainam kaysa sa kamay na nanghihingi dahil ito ay nagpakataas-taas at nag-angat ng sarili palayo sa pagkahamak ng panghihingi, taliwas sa ibang kamay na nagbaba ng halaga ng sarili nito at dangal nito dahil sa paglalantad nito ng sarili nito sa kahamakan. Kaya nanumpa si Ḥakīm bin Ḥizām, (r), sa Kanya na nagpadala sa Propeta, (s), dala ang katotohanan na hindi siya manghihingi sa isa man ng anuman matapos ng Propeta. Nagsabi siya: "O Sugo ni Allāh, sumpa man sa Kanya na nagpadala sa iyo dala ang katotohanan, hindi ako kukuha sa isa man matapos mo ng anuman hanggang sa hiwalayan ko ang mundo." Sumakabilang-buhay ang Sugo, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga, at nanungkulan bilang khalīfah si Abū Bakr, (r). Binibigyan siya nito ng kaloob ngunit hindi niya tinatanggap iyon. Pagkatapos ay sumakabilang-buhay si Abū Bakr at nanungkulan bilang khalīfah si `Umar at inanyayahan nito siya upang bigyan siya ngunit tumanggi siya. Pinasaksihan siya ni `Umar sa mga tao at sinabi: "Sumaksi kayo na ako ay nagbibigay sa kanya mula sa bahay yaman ng mga Muslim subalit siya ay hindi tumatanggap niyon." Sinabi iyon ni `Umar, (r), upang hindi magkaroon si Ḥakīm ng katwiran laban kay `Umar sa Araw ng Pagkabuhay sa harapan ni Allāh at upang makawala sa pananagutan sa kanya sa harapan ng mga tao. Subalit sa kabila niyon, nagpumilit si Ḥakīm, (r), na hindi kumuha mula roon ng anuman hanggang sa sumakabilang-buhay siya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Tamil
Paglalahad ng mga salin