عن أبي موسى رضي الله عنه قال: خرجنا مع رسول الله صلى الله عليه وسلم فِي غَزَاة ونحن سِتَّةُ نَفَرٍ بَيننا بعيرٌ نَعْتَقِبُهُ، فَنَقِبَتْ أقدامُنا وَنَقِبَت قَدَمِي، وسَقطت أَظْفَارِي، فكنَّا نَلُفُّ على أَرْجُلِنَا الْخِرَقَ ، فَسُمِّيَت غَزْوَة ذَاتُ الرِّقَاع لما كنَّا نَعْصِب على أرجُلنا من الخِرق، قال أبو بردة: فحدث أبو موسى بهذا الحديث، ثم كره ذلك، وقال: ما كنت أصنع بأن أَذْكُرَه! قال: كأنه كره أن يكون شيئا من عمله أفْشَاه.
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Mūsā, malugod si Allāh sa kanya: "Lumabas kami kasama ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa isang pagsalakay. Kami ay anim katao. Mayroon kaming isang kamelyong nagsasalitan kami [sa pagsakay]. Nabutas ang mga paa namin. Nabutas ang paa ko at nalaglag ang mga kuko ko. Lahat kami ay nagbabalot sa mga paa namin ng basahan kaya tinawag ang pagsalakay na 'May mga Tagpi' dahil sa kami ay nagbebenda sa mga paa namin ng basahan." Nagsabi si Abū Burdah: "Nagsanaysay si Abū Mūsā ng ḥadīth na ito. Pagkatapos ay kinainisan niyang [ulitin] iyon. Sinabi niya: Ako ay hindi nagnanais na banggitin ito! Sinabi niya: "Para bang siya ay nainis na may anuman sa gawa niya na lumaganap."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ang kahulugan ng ḥadīth: Na si Abū Mūsā, malugod si Allāh sa kanya, ay lumabas kasama ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa isang pagsalakay at kasama niya ang ilan sa mga Kasamahan niya. Ang bilang nila ay anim katao. May kasama silang isang kamelyo na pinagsasalitan nila ito ng sakay. Sinasakyan ito ng isa sa kanila sa loob ng isang distansiya. Pagkatapos kapag natapos ang toka niya, bumababa siya sa kamelyo at sumasakay ang iba. Ganyan sila nagtotokahan sa pagsakay hanggang sa dumating sila sa pakay nila. "Nabutas ang mga paa namin. Nabutas ang paa ko at nalaglag ang mga kuko ko." Ito ay dahil sa paglalakad sa lupang disyerto kalakip ng malayong distansiya. Wala silang anumang maipangsasapin sa mga paa nila laban sa pagkasugat ng mga ito sapagkat sila ay naglalakad nang nakayapak. Ibinunga niyon ang matinding pinsala ngunit sa kabila nito ay hindi sila tumitigil-tigil sa paglalakbay nila, bagkus ipinagpatuloy nila ang lakad nila para makaharap ang kaaway. "Lahat kami ay nagbabalot sa mga paa namin ng basahan..." Ito ay kabilang sa nagpapatunay na ang mga sapatos nila ay nagkapunit-punit na dahil sa haba ng distansiya at gaspang ng lupa at tigas nito. Sila ay nagbabalot sa mga paa nila ng basahan upang pangalagaan laban sa tigas ng lupa at init nito. "...kaya tinawag ang pagsalakay na 'May mga Tagpi' dahil sa kami ay nagbebenda sa mga paa namin ng basahan." Ibig sabihin: Ang pagsalakay na ito na isinagawa ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay tinawag matapos niyon na "Pagsalakay ng May mga Tagpi". Ito ay isa sa mga dahilan sa pagpapangalan nito. Sinabi ni Abū Burdah: "Nagsanaysay si Abū Mūsā ng ḥadīth na ito. Pagkatapos ay kinainisan niyang [ulitin] iyon. Sinabi niya: Ako ay hindi nagnanais na banggitin ito! Sinabi niya: Para bang siya ay nainis na may anuman sa gawa niya na lumaganap." Ang kahulugan: Na si Abū Mūsā, malugod si Allāh sa kanya, matapos na nagsanaysay siya ng ḥadīth na ito ay nagmithi na siya ay hindi na sana nagsanaysay nito dahil sa nilalaman nitong pag-aangat ng sarili niya at dahil sa ang paglilihim ng gawang matuwid ay higit na mainam kaysa sa paghahayag na ito maliban na lamang kung may matimbabang na kapakinabangan, gaya ng isang tutularan. Nasaad sa ibang ḥadīth: "Ikinubli nya ito nang sa gayon ay hindi malaman ng kaliwa niya ang ginugugol ng kanan niya." Napagkaisahan sa katumpakan.