+ -

عن سهل بن سعد الساعدي رضي الله عنه مرفوعاً: "لأعطين الراية غدا رجلا يحب الله ورسوله ويحبه الله ورسوله، يفتح الله على يديه، فبات الناس يدوكون ليلتهم أيهم يعطاها فلما أصبحوا غدوا على رسول الله صلى الله عليه وسلم كلهم يرجو أن يعطاها: فقال: أين علي بن أبي طالب؟ فقيل: هو يشتكي عينيه، فأرسلوا إليه فأتي به، فبصق في عينيه، ودعا له فبرأ كأن لم يكن به وجع، فأعطاه الراية فقال: انفذ على رسلك حتى تنزل بساحتهم، ثم ادعهم إلى الإسلام وأخبرهم بما يجب عليهم من حق الله تعالى فيه، فوالله لأن يهدي الله بك رجلا واحدا خير لك من حمر النعم".
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Sahl bin Sa`d As-Sā`idīy, malugod si Allāh sa kanya: "Talagang ibibigay ko nga ang watawat bukas sa isang lalaking umiibig kay Allah at sa Sugo Niya at iniibig iyon ni Allah at ng Sugo Niya, na mananaig si Allah sa pamamagitan ng mga kamay niyon." Kaya magdamag na ang mga tao ay nag-iisip-isip sa gabi kung alin sa kanila ang bibigyan niyon. Noong sumapit sila sa umaga, pumunta sila sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Lahat sila ay umaasang ibigay sa kanya iyon. Nagsabi siya: "Nasaan si `Alīy bin Abī Ṭālib?" Sinabi: "Siya ay nagdurusa dahil sa mga mata niya." Kaya nagpadala sila [ng tao] roon at dinala iyon at dumura siya sa mga mata niyon. Dumalangin siya para roon at gumaling iyon na para bang hindi iyon nagkaroon ng isang sakit. Ibinigay niya roon ang watawat at nagsabi siya: "Humayo ka nang hinay-hinay hanggang sa bumaba ka sa larangan nila. Pagkatapos ay anyayahan mo sila sa Islām at ipabatid mo sa kanila ang anumang isinasatungkulin sa kanila na karapatan ni Allah, pagkataas-taas Niya, doon sapagkat sumpa man kay Allah, ang magpatnubay si Allah sa pamamagitan mo ng iisang tao ay higit na mabuti para sa iyo kaysa sa mga pulang kamelyo."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbalita ng nakagagalak sa mga Kasamahan Niya hinggil sa pagwawagi ng mga Muslim laban sa mga Hudyo kinabukasan sa kamay ng isang lalaking may dakilang kalamangan at pagkampi kay Allah at sa Sugo Niya. Kaya inabangan ng mga Kasamahan iyon. Bawat isa ay nagnanais na maging siya ang lalaking iyon dahil sa sigasig nila sa kabutihan. Noong pumunta sila sa tipanan, hinanap ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, si `Alīy at nagkataon namang iyon ay hindi dumating dahil sa dumapo roon na sakit sa mga mata niyon. Pagkatapos ay dumating iyon at dinuraan ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang mga mata niyon ng pinagpalang laway niya at lubusang naalis ang nadaramang sakit niyon. Ipinasa niya roon ang pamunuan ng hukbo at inutusan iyon na humayo sa tamang paraan nang hinay-hinay hanggang sa makalapit sa muog ng kalaban. Hihilingin niyon sa kanila ang pumasok sa Islām. Kung tutugon sila, ipababatid niyon sa kanila ang isinasatungkulin sa Muslim na mga tungkulin. Pagkatapos ay nilinaw ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kay `Alīy ang kainaman ng pag-anyaya tungo kay Allah at na ang dā`iyah, kapag nagawa niyang makapagpatnubay ng iisang tao, iyon ay higit na mabuti para sa kanya kaysa sa pinakamahal sa mga yaman sa Mundo kaya papaano na kapag nakapagpatnubay siya ng higit pa roon.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Pushto Asami السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga
Paglalahad ng mga salin