عن سهل بن سعد رضي الله عنه عن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال:
«مَنْ يَضْمَنْ لِي مَا بَيْنَ لَحْيَيْهِ وَمَا بَيْنَ رِجْلَيْهِ أَضْمَنْ لَهُ الْجَنَّةَ».
[صحيح] - [رواه البخاري] - [صحيح البخاري: 6474]
المزيــد ...
Ayon kay Sahl bin Sa`d (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Ang sinumang maggagarantiya sa akin [na mag-ingat] ng nasa pagitan ng bigote at balbas niya at ng nasa pagitan ng mga hita niya, maggagarantiya ako sa kanya ng Paraiso."}
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy] - [صحيح البخاري - 6474]
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa dalawang bagay na kapag nanatili ang Muslim sa dalawang ito, tunay na siya ay papasok sa Paraiso:
UNA: Ang pag-iingat sa dila laban sa pagsasalita ng nagpapagalit kay Allāh (napakataas Siya);
IKALAWA: ang pag-iingat sa ari laban sa pagkakasadlak sa mahalay
dahil ang dalawang bahaging ito ay madalas sa pagkakasadlak sa mga pagsuway.