عن أبي سعيد الخدري رضي الله عنه عن النبي صلى الله عليه وسلم قال: «لاَ تُصَاحِب إِلاَّ مُؤْمِنًا، وَلاَ يَأْكُل طَعَامَكَ إِلاَّ تَقِي».
[حسن] - [رواه أبو داود والترمذي وأحمد]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya.-Hadith na Marfu :Huwag kang makikipag-kaibigan maliban sa mananampalataya,at walang kakain sa pagkain mo maliban sa [taong] may takot [sa Allah]))
[Maganda] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
Ipinapahiwatig sa Hadith ni Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya.-na ang nararapat sa isang muslim ay ang pakikisama sa mga mabubuting tao,sa lahat ng kalagayan nito.At sa Hadith na ito ,[Napapaloob] ang paghihimok sa pakikipagkaibigan sa mga taong mananampalataya,at ito ay kinakailangan sa pag-iwas sa pakikisama sa mga hindi mananampalataya at mga Munafiq [epokrito],Dahil ang pakikisama sa kanila at nakakapinsala sa relihiyon,at ang ipinapahiwatig sa Mu`min,o mananampalataya,ay bilang ng mga mananampalataya,At pinagtibay niya ang pakikisama sa mga mabubuting tao sa pagsabi niya ng : ((at walang kakain sa pagkain mo maliban sa [taong] may takot [sa Allah])) Ibig sabihin ay nasisiyahan siya sa paggugol ng pagkaing ikinabubuhay niya para sa pagsamba sa Allah, At ang kahulugan nito: Huwag mong ipakain ang pagkain mo maliban sa taong may takot sa Allah,At nasasakupan din nito ang pagkain sa pag-aanyaya,Tulad ng okasyon o maliban pa rito,Nararapat lang na ang iniimbitahan ay kabilang sa mabubuting tao at may pananampalataya.