عن ابن عمر رضي الله عنهما قال: ما سمعت عمر رضي الله عنه يقول لشيء قَطُّ: إني لأظنه كذا، إلا كان كما يظن.
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Hindi ko narinig si `Umar, malugod si Allah sa kanya, na nagsasabi sa isang bagay kailanman: Tunay na ako ay talagang nagpapalagay na ito ay ganito, malibang ito ay gaya ng ipinagpapalagay niya."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
Ang mga kasamahan noon ay nakakikita kay `Umar na humuhusga sa ilang bagay na hindi hayag na malinaw sa iba sa mga tao. Pagkatapos noong lumilinaw ang mga bagay na iyon, lumalabas na ang paghusga ni `Umar doon bago nahayag iyon ay sumasang-ayon sa nangyari at lumitaw ayon sa reyalidad.