عَنْ أَبِي بَكْرٍ الصِّدِّيقِ رضي الله عنه أَنَّهُ قَالَ: أَيُّهَا النَّاسُ، إِنَّكُمْ تَقْرَؤُونَ هَذِهِ الآيَةَ: {يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا عَلَيْكُمْ أَنْفُسَكُمْ لاَ يَضُرُّكُمْ مَنْ ضَلَّ إِذَا اهْتَدَيْتُمْ}، وَإِنِّي سَمِعْتُ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ:
«إِنَّ النَّاسَ إِذَا رَأَوْا الظَّالِمَ فَلَمْ يَأْخُذُوا عَلَى يَدَيْهِ أَوْشَكَ أَنْ يَعُمَّهُمُ اللَّهُ بِعِقَابٍ مِنْهُ».
[صحيح] - [رواه أبو داود والترمذي والنسائي في الكبرى وابن ماجه وأحمد] - [سنن الترمذي: 2168]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {"O mga tao, tunay na kayo ay bumibigkas ng āyah na ito: {O mga sumampalataya, mangalaga kayo sa mga sarili ninyo. Hindi makapipinsala sa inyo ang sinumang naligaw kapag napatnubayan kayo.} (Qur'ān 5:105) Tunay na ako ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Tunay na ang mga tao, kapag nakita nila ang tagalabag sa katarungan saka hindi sila pumigil sa mga kamay nito, ay halos lahatin ni Allāh sa isang parusang mula sa Kanya."}
[Tumpak] - - [سنن الترمذي - 2168]
Nagpapabatid si Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh sa kanya) na ang mga tao ay bumibigkas ng āyah na ito:
{O mga sumampalataya, mangalaga kayo sa mga sarili ninyo. Hindi makapipinsala sa inyo ang sinumang naligaw kapag napatnubayan kayo.} (Qur'ān 5:105)
Nakaiintindi sila mula rito na kailangan sa tao ang magpunyagi sa pagsasaayos ng sarili niya lamang, na hindi makapipinsala matapos niyon ang pagkaligaw ng sinumang naligaw, at na sila ay hindi hihilingin sa pag-uutos ng nakabubuti at pagsaway sa nakasasama.
Nagpaalam siya sa kanila na ito ay hindi gayon, at na siya ay nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Tunay na ang mga tao, kapag nakita nila ang tagalabag sa katarungan saka hindi nila pinigilan ito sa kawalang-katarungan niya samantalang taglay nila ang kakayahan sa pagpigil sa kanya, ay halos lahatin ni Allāh sa kalahatan sa isang parusang mula sa Kanya: ang tagagawa ng nakasasama at ang tagapanahimik dito.