+ -

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«قَارِبُوا وَسَدِّدُوا، وَاعْلَمُوا أَنَّهُ لَنْ يَنْجُوَ أَحَدٌ مِنْكُمْ بِعَمَلِهِ» قَالُوا: يَا رَسُولَ اللهِ وَلَا أَنْتَ؟ قَالَ: «وَلَا أَنَا، إِلَّا أَنْ يَتَغَمَّدَنِيَ اللهُ بِرَحْمَةٍ مِنْهُ وَفَضْلٍ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 2816]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Makipaglapitan kayo [sa mabuti], magtama kayo, at umalam kayo na walang maliligtas na isa man mula sa inyo dahil sa gawa niya." Nagsabi sila: "O Sugo ni Allāh, ni ikaw?" Nagsabi siya: "Ni ako, maliban na lumipos sa akin si Allāh ng isang awa mula sa Kanya at isang kabutihang-loob."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 2816]

Ang pagpapaliwanag

Humihimok ang Propeta (s) sa mga Kasamahan na gumawa sila ng mabuti, na mangilag silang magkasala kay Allah sa abot ng nakaya nila nang walang pagpapalabis at walang pagpapakulang, at na magpakay sila sa paggawa nila ng wasto sa pamamagitan ng pagpapakawagas kay Allah at pagsunod sa Sunnah upang tanggapin ang gawa nila para ito ay maging isang kadahilanan ng pagbaba ng awa sa kanila.
Pagkatapos nagpabatid siya sa kanila na hindi makapagliligtas sa isa sa inyo ang gawa niya lamang; bagkus hindi makaiiwas sa awa ni Allāh.
Nagsabi sila: "Kahit po ba ikaw, O Sugo ni Allāh, ay hindi makapagliligtas sa iyo ang gawa mo sa kabila ng bigat ng sukat niyon?"
Kaya nagsabi siya: "Kahit ako, maliban na magtakip sa akin si Allāh ng kagandahang-loob ng awa Niya."

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Swahili Thailand Pushto Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Nagsabi si Imām An-Nawawīy: "Ang {Magtama kayo at makipaglapitan kayo} ay hilingin ninyo ang tama at gumawa kayo ayon dito. Kung nawalang-kakayahan kayo, makipaglapitan kayo, ibig sabihin: lumapit kayo roon. Ang tama ay ang wasto. Ito ay sa pagitan ng pagpapalabis at pagpapakulang, kaya naman huwag kayong magpakalabis-labis at huwag kayong magkulang.
  2. Nagsabi si Shaykh Ibnu Bāz: Ang mga gawaing maayos ay ang mga kadahilanan ng pagpasok sa Paraiso kung paanong ang mga gawaing karima-rimarim ay ang mga kadahilanan ng pagpasok sa Impiyerno. Ang ḥadīth ay naglilinaw na ang pagpasok nila sa Paraiso ay hindi dahil sa payak na paggawa; bagkus hindi makaiiwas sa paumanhin ni Allāh at awa Niya (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya). Kaya sila ay papasok doon dahil sa mga kadahilanan ng mga gawa nila; subalit ang nag-obliga niyon ay ang awa Niya (kaluwalhatian sa Kanya), ang paumanhin Niya, at ang pagpapatawad Niya.
  3. Ang tao ay huwag malilinlang at humanga sa gawain niya sa ano man umabot ito dahil ang karapatan ni Allāh ay higit na dakila kaysa sa gawa niya. Kaya walang pag-iwas sa tao sa pangamba at pag-asa nang magkasabay.
  4. Ang kabutihang-loob ni Allāh at ang awa Niya sa mga lingkod Niya ay higit na malawak kaysa sa mga gawain nila.
  5. Ang mga gawaing maayos ay isang kadahilanan sa pagpasok sa Paraiso. Ang pagtamo nito ay tanging sa pamamagitan ng kabutihang-loob ni Allāh at awa mula sa Kanya.
  6. Nagsabi si Imām Al-Kirmānīy: Kapag ang lahat ng mga tao ay hindi papasok sa Paraiso kundi dahil sa awa ni Allāh, ang punto ng pagtatangi sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagbanggit ay na kapag naging natitiyak para sa kanya na siya ay papasok sa Paraiso ngunit hindi siya papasok doon kundi dahil sa awa ni Allāh, ang iba sa kanya kaugnay roon sa isang banda ay ang higit na marapat.
  7. Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Hinggil sa kahulugan ng sabi ni Allāh (Qur'ān 16:32): {Magsipasok kayo sa Paraiso dahil sa dati ninyong ginagawa.”}, (Qur'ān 43:72): {Iyon ay ang Paraiso na ipinamana sa inyo dahil sa dati ninyong ginagawa.}, at tulad ng dalawang ito kabilang sa mga talata na nagpapatunay na ang mga gawain ay ikapapasok sa Paraiso, hindi iyon nakikipagsalungatan sa mga ḥadīth na ito; bagkus ang kahulugan ng mga talata ay na ang pagpasok sa Paraiso ay dahilan sa mga gawain, pagkatapos dahil sa pagtutuon sa mga gawain, kapatnubayan sa pagpapakawagas sa mga ito, at pagtanggap sa mga ito dahil sa awa ni Allāh (napakataas Siya) at kabutihang-loob Niya. Kaya natutumpak na ang tao ay hindi papasok sa Paraiso dahil sa payak na gawain, na siyang tinutukoy ng mga ḥadīth. Natutumpak na siya ay papasok dahil sa mga gawain, na ibig sabihin: dahilan sa mga ito, na bahagi ng awa [ni Allāh].
  8. Nagsabi si Imām Ibnu Al-Jawzīy: "Inireresulta buhat doon ang apat na sagot. A. Na ang pagkatuon sa paggawa [ng mabuti] ay bahagi ng awa ni Allāh; at kung sakaling hindi dahil sa naunang awa ni Allāh, hindi nangyari ang pananampalataya ni ang pagtalima, na natatamo sa pamamagitan ng mga ito ang kaligtasan. B. Na ang mga kapakinabangan ng alipin ay para sa amo niya kaya ang gawain niya ay karapat-dapat ukol sa pinapanginoon niya; sapagkat ang anumang ibiniyaya sa kanya na ganti, ito ay mula sa kabutihang-loob nito. C. Nasaad sa ilan sa mga ḥadīth na ang mismong pagpasok sa Paraiso ay dahil sa awa ni Allāh at ang pagkahati-hati ng mga antas ay dahil sa mga gawain. D. Na ang mga gawain ng mga pagtalima ay sa loob ng isang kaunting panahon samantalang ang gantimpala ay hindi nauubos, kaya naman ang pagbibiyaya na hindi nauubos ay nasa ganting hindi nauubos ang kabutihang-loob, hindi dahil sa pagtutumbas sa mga [mabuting] gawain.
  9. Nagsabi si Imām Ar-Rāfi`īy: Na ang tagagawa ay hindi nararapat na umaasa sa gawa niya sa paghiling ng kaligtasan at pagtamo ng mga antas dahil siya ay gumawa lamang dahil sa pagtutuon ni Allāh at nagwaksi lamang ng pagsuway dahil sa pagsasanggalang ni Allāh, kaya naman ang lahat ng iyon ay dahil sa kabutihang-loob Niya at awa Niya.
Ang karagdagan