+ -

عن أبي شريح خويلد بن عمرو الخزاعي و أبي هريرة رضي الله عنهما عن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: «اللَّهُمَّ إِنِّي أُحَرِّجُ حَقَّ الضَعِيفَين: اليَتِيم والمَرْأَة».
[حسن] - [حديث أبي شريح رواه النسائي. وحديث أبي هريرة رواه ابن ماجه وأحمد]
المزيــد ...

Ayon kay Abe Shurayh Khuwaylid bin `Amr bin Al-Khuza-ie-malugod si Allah sa kanya-At Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-siya ay nagsabi:((O Allah! Ako ay nangangamba sa karapatan ng dalawang mahina: Ang batang ulila,at ang babae))
[Maganda] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

Ang pagpapaliwanag

Ang Hadith na ito ay nagpapatibay sa unang pamantayan ng relihiyong Islam sa pagiging maawain sa mahihina tulad ng batang ulila at ng kababaihan,at mapapansin sa Hadith na ito na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ganap ang kanyang pangangalaga sa karapatan ng batang ulila at ng kababaihan,sapagkat ang dalawang ito ay walang mataas na katayuan [sa buhay],humihingi sila ng tulong sa kanya at pinapangalagaan niya silang dalawa,Nakaramdam siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ng pangamba,lungkot,at paghihirap sa sinumang kumukuha sa karapatan nilang dalawa.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan