عَنْ أَبِي سَعِيدٍ الخُدْرِيَّ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ -وَكَانَ غَزَا مَعَ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ ثِنْتَيْ عَشْرَةَ غَزْوَةً- قَالَ: سَمِعْتُ أَرْبَعًا مِنَ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، فَأَعْجَبْنَنِي، قَالَ:
«لاَ تُسَافِرِ المَرْأَةُ مَسِيرَةَ يَوْمَيْنِ إِلَّا وَمَعَهَا زَوْجُهَا أَوْ ذُو مَحْرَمٍ، وَلاَ صَوْمَ فِي يَوْمَيْنِ: الفِطْرِ وَالأَضْحَى، وَلاَ صَلاَةَ بَعْدَ الصُّبْحِ حَتَّى تَطْلُعَ الشَّمْسُ، وَلاَ بَعْدَ العَصْرِ حَتَّى تَغْرُبَ، وَلاَ تُشَدُّ الرِّحَالُ إِلَّا إِلَى ثَلاَثَةِ مَسَاجِدَ: مَسْجِدِ الحَرَامِ، وَمَسْجِدِ الأَقْصَى، وَمَسْجِدِي هَذَا».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 1995]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) – na nakipaglaban kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng labindalawang labanan – na nagsabi: {Nakarinig ako ng apat mula sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagpahanga ang mga ito sa akin. Nagsabi siya:
"Hindi maglalakbay ang babae ng distansiyang dalawang araw [na paglalakbay] malibang habang kasama sa kanya ang asawa niya o ang isang maḥram. Walang pag-aayuno sa dalawang araw: sa Pagdiriwang ng Pagtigil-ayuno at sa Pagdiriwang ng Pag-aalay. Walang ṣalāh matapos ng ṣalāh sa madaling-araw hanggang sa sumikat ang araw at wala matapos ng ṣalāh sa hapon hanggang sa lumubog [ang araw]. Hindi isinasagawa ang mga natatanging paglalakbay malibang papunta sa tatlong masjid: Masjid ng Pinakababanal, Masjid ng Liblib, at Masjid kong ito."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 1995]
Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa apat na bagay:
A. Ang pagpigil sa babae sa paglalakbay ng distansiyang dalawang araw [na paglalakbay] nang wala ang asawa niya o ang isa sa mga maḥram niya. Ang maḥram ay ang sinumang ipinagbawal mapangasawa sa isang pagbabawal na isinamagpakailanman kabilang sa mga kamag-anak gaya ng anak, magulang, anak ng lalaking kapatid, anak ng babaing kapatid, tiyuhin sa ama, tiyuhin sa ina, at tulad nito.
B. Ang pagsaway laban sa pag-aayuno sa araw ng Pagdiriwang ng Pagtigil-ayuno (Eidul fitr) at araw ng Pagdiriwang ng Pag-aalay (Eidul 'adha), pinag-ayunuhan man ito ng Muslim dahil sa isang panata o isang pagkukusa o isang panakip-sala.
C. Ang pagsaway laban sa ṣalāh na kusang-loob matapos ng ṣalāh sa hapon hanggang sa lumubog ang araw at matapos ng ṣalāh sa madaling-araw hanggang sa sumikat ang araw.
D. Ang pagsaway laban sa paglalakbay patungo sa isa sa mga pook kasama ng paniniwala sa kainaman nito at paniniwala sa pagpapaibayo ng mga magandang gawa rito na iba pa sa nabanggit na Tatlong Masjid. Kaya hindi isinasagawa ang mga natatanging paglalakbay papunta sa iba pa sa tatlong ito para magsagawa ng ṣalāh doon sapagkat ang pabuya ay hindi pinag-iibayo malibang sa Tatlong Masjid na ito: Masjid Al-Haram, Masjid An-Nabawiy, at Masjid Al-Aqsa.