+ -

عن عبد الله بن عباس رضي الله عنهما قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم يوم فتح مكة: «لا هجرة بعد الفتح، ولكن جهاد ونية. وإذا اسْتُنْفِرْتُم فَانْفِرُوا. وقال يوم فتح مكة: «إن هذا البَلد حَرَّمَهُ الله يوم خلق الله السموات والأرض، فهو حَرَامٌ بحُرْمَةِ الله إلَى يوم القيامة، وإنه لم يحل القتال فيه لِأَحَدٍ قَبْلِي، ولم يَحِلَّ لي إلا ساعة من نهار، حرام بِحرمة الله إلى يوم القيامة، لا يُعْضَدُ شَوْكُهُ، وَلاَ يُنَفَّرُ صَيْدُهُ، وَلاَ يَلْتَقِطُ لُقَطَتَهُ إلا من عَرَّفَهَا، ولاَ يُخْتَلَى خَلاَهُ». فقال العباس: يا رسول الله، إلا الإِذْخِرَ؛ فإنه لِقَيْنِهِمْ وبيوتهم؟ فقال: «إلا الإِذْخِرَ».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, na nagsabi: Nagsabi: ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa araw ng pagsakop sa Makkah: "Walang paglikas matapos ang pagsakop ngunit may pakikibaka at layunin. Kapag pinahayo kayo [sa labanan] ay humayo kayo." Nagsabi siya: "Sa araw ng pagsakop sa Makkah, tunay na ang bayang ito binanal ni Allāh sa araw na nilikha ni Allāh ang mga langit at lupa. Ito ay banal dahil sa kabanalan ni Allāh hanggang sa Araw ng Pagkabuhay. Tunay na hindi ipinahihintulot ang pakikipaglaban sa loob nito sa isa man matapos ko at hindi ito ipinahintulot sa akin malibang sa isang saglit sa maghapon. Banal ito dahil sa kabanalan ni Allāh hanggang sa araw ng pagkabuhay. Hindi binabakli ang halamang matinik nito, hindi tinutugis ang pinangangasong hayop nito, hindi pinupulot ang mapupulot dito maliban ng sinumang nagpahayag nito, at hindi pinuputol ang damo nito." Nagsabi si Al-`Abbās: "O Sugo ni Allāh, maliban sa tanglad sapagkat tunay na ito ay para sa mga panday nila at mga bahay nila?" Nagsabi siya: "Maliban sa tanglad."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ipinababatid ni `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allāh sa kanya, na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay tumindig upang magtalumpati sa araw ng pagsakop sa Makkah at nagsabi: "Walang paglikas..." Nangangahulugan ito: Mula sa Makkah dahil ito ay naging bayan ng Islām ngunit nanatili ang pakikibaka. Ang pag-uutos sa sinumang hiniling na humayo sa pakikibaka ay humayo bilang pagtalima para kay Allāh, para sa Sugo Niya, at sa mga may kapamahalaan. Pagkatapos ay binanggit niya ang kabanalan ng Makkah, na iyon ay magmula ng nilikha ni Allāh ang mga langit at lupa, na hindi ipinahihintulot ang labanan doon sa sinuman bago ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, hindi ipahihintulot ito roon sa sinuman matapos niya, at na ipinahintulot lamang ito sa isang saglit sa maghapon. Pagkatapos ay nanumbalik ang kabanalan nito. Pagkatapos ay binanggit ang kabanalan ng Makkah, na hindi babakliin ang tinik doon, hindi tutugisin ang ang hayop na napangangaso roon, hindi pupulutin ang mapupulot doon maliban sa sinumang nagnanais ipahayag ito, at hindi kukunin ang damo nito: ang kumpay. Itinangi roon ang tanglad para sa mga kapakanan ng mga mamamayan ng Makkah. Taysīr Al-`Allām p. 304, Tanbīh Al-Afhām 3/515, at Ta’sīs Al-Aḥkām Sharḥ Ḥadīth numero 3/351.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa Portuges
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan