Talaan ng mga ḥadīth

Hindi tumigil na nagtatagubilin sa akin si Gabriel hinggil sa kapitbahay hanggang sa nagpalagay ako na siya ay magpapamana rito."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
sumaway laban sa pamamanata at nagsabi: "Tunay na ito ay hindi naghahatid ng isang kabutihan. Ipinangkukuha lamang ito mula sa maramot."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ako, sumpa man kay Allāh , ay hindi sumusumpa ng isang sumpa saka makakikita ako ng higit na mainam kaysa roon malibang nagtatakip-sala ako sa sumpa ko at gumagawa ako ng siyang pinakamabuti."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
'Ang sinumang nagpagalak sa kanya na magligtas sa kanya si Allāh mula sa mga pighati ng Araw ng Pagbangon, pumawi siya [ng pighati] sa isang nagigipit o mag-alis siya ng utang nito.'"}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
"O Sugo ni Allāh, tunay na mayroon akong dalawang kapit-bahay kaya sa alin sa kanilang dalawa ako magreregalo?" Nagsabi siya: "Sa pinakamalapit sa kanilang dalawa sa iyo sa pintuan."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Walang paglikas matapos ang pagsakop ngunit may pakikibaka at layunin.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang pinagpuputol niya ang karapatan ng isang muslim sa pamamagitan ng kanyang pag-sumpa, ay inubliga na ng dakilang Allah sa kanya ang impyerno, at ipinagbawal na sa kanya ang paraiso
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal sa munābadhah. Ito ay ang paghagis ng lalaki ng damit niya sa pagtitinda sa lalaki bago nakapagsuri iyon dito o nakatingin iyon dito. Ipinagbawal niya ang mulāmasah. Ang mulāmasah ay ang pagsalat ng lalaki sa damit nang hindi tumitingin dito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal sa pagtitinda ng mga bunga hanggang sa mahinog. Sinabi: "Ano po ang mahinog?" Nagsabi siya: "Hanggang sa mamula." Nagsabi siya: "Ano sa tingin mo kung pinigilan ni Allāh ang [paghinog ng] bunga? Dahil sa ano itinuturing ng isa sa inyo na ipinahihintulot ang ari-arian ng kapatid niya?"
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal sa pagbibili ng bunga hanggang sa lumitaw ang kaangkupan nito. Ipinagbawal niya sa tagapagbili at tagapamili.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang ginto kapalit ng ginto ay patubo malibang kaliwaan. Ang pilak kapalit ng pilak ay malibang kaliwaan. Ang trigo kapalit ng trigo ay patubo malibang kaliwaan. Ang sebada kapalit ng sebada ay patubo malibang kaliwaan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinagbawal ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na magtinda ang isang taga-bayan para sa isang taga-ilang. Huwag kayong magpataasan sa tawad. Huwag pagbentahan ng lalaki ang pinagbebentahan ng kapuwa niya at huwag siyang mag-alok ng kasal sa napangakuan nito ng kasal.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinagbawal ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pagtitinda ng ginto kapalit ng pilak bilang utang.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinagbawal ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pagtitinda ng pilak kapalit ng pilak, at ng ginto kapalit ng ginto malibang kapantay kapalit ng kapantay. Ipinag-utos niya sa amin na bumili kami ng pilak kapalit ng ginto papaano man namin loobin at bumili ng ginto kapalit ng pilak papaano man namin loobin.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Walang may-ari ng ginto ni ng pilak, na hindi nagbibigay mula rito ng tungkulin dito, na hindi magtatapal sa kanya ng mga plantsa ng apoy kapag Araw na ng Pagkabuhay, magpapaningas sa mga ito sa apoy ng Impiyerno, at maghehero sa pamamagitan ng mga ito ng tagiliran niya, noo niya, at likod niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang sumumpa at nagsabi: Tunay na ako ay walang kaugnayan sa Islam; kung siya ay nagsisinungaling, siya ay gaya ng sinabi niya; kung siya naman ay nagsasabi ng totoo, hindi siya babalik sa Islam nang buo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag namatay ang tao, napuputol sa kanya ang gawa niya maliban sa tatlo: maliban sa isang kawanggawang nagpapatuloy, o isang kaalamang napakikinabangan, o isang anak na maayos na dumadalangin para sa kanya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Indonesiyano
{O Sugo ni Allāh, tunay na ang ina ni Sa`d ay namatay. Kaya alin pong kawanggawa ang pinakamainam? Nagsabi siya: "Ang tubig." Nagsabi ito: "Kaya humukay siya ng isang balon at nagsabi: 'Ito ay para sa ina ni Sa`d."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Indonesiyano
Humingi ng kasagutan si Sa`ad bin `Ubbadah sa Sugo ni Allah,tungkol sa Panata na [nagawa] ng Ina niya,na pumanaw bago niya ito ipatupad?Nagsabi ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Tuparin mo ito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang Manumpa sa isang pangakong hindi niya ginawa,[upang] kunin dito ang kayamanan ng isang taong Muslim,Siya sa [gawaing ito] ay isang makasalanan,Haharapin niya si Allah, na sa kanya ay magmamana ng Poot
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nangako ang kapatid ko na maglalakad sa Sagradong Tahanan ni Allah na walang tsinelas,Kaya ipinag-utos niya sa akin na itanong ko ito [Kung ano nararapat niyang gawin] para sa kanya sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kaya itinanong ko ito sa kanya, at Nagsabi siya: maglalakad siya at sasakay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O `Abdurrahman bin Samrah,Huwag mong hilingin ang [Kapangyarihan] Panunungkulan,Sapagkat kapag ibinigay ko ito sa iyo na hinihiling mo,ipagkakatiwala mo ito [hindi mo ito gagampanan],
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang manumpa sa isang Panunumpa at nakita niya ang higit na kinalulugdan ni Allah,gawin niya ang higit na kinalulugdan ni Allah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ikaw, kung sakaling ibinigay mo iyon sa [isa sa] mga tiyuhin sa ina mo, ay magkakamit ng gantimpala mong higit na mabigat.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ibigay ninyo ito sa kanya, sapagkat ang pinakamainam sa inyo,yaong pinakamabuti sa inyo magbayad
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
May tutuusing isang lalaking kabilang noon sa nauna sa inyo ngunit walang natagpuan sa kanya na kabutihan na anuman malibang siya noon ay nakikihalubilo sa mga tao at siya noon ay nagpapaluwag. Nag-uutos siya noon sa mga utusan niya na magpaumanhin sila sa nagigipit. Nagsabi si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan: Kami ay higit na karapat-dapat doon kaysa sa kanya; magpaumanhin kayo sa kanya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pagkuha ng isa sa inyo sa kanyang lubid,pagkatapos ay kukuha siya ng lubid at itatali niya ang mga panggatong sa likod niya at ibibinta niya,pangangalagaan ni Allah [mula sa kahihiyan] dahil rito ang pagmumukha niya,Ay higit na mainam para sa kanya mula sa paghingi sa mga tao,bigyan man nila ito o pagbabawalan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nag-alaga ng isang kabayo alang-alang sa landas ni Allāh bilang pananampalataya kay Allāh at paniniwala sa pangako Niya, tunay na ang pakain rito, ang painom rito, ang dumi nito, at ang ihi nito ay nasa timbangan niya sa Araw ng Pagkabuhay.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay bumili mula sa kanya ng isang kamelyo kaya tinimbang niya para roon at nilabisan ang bayad.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nagluto ka ng sabaw, damihan mo ang tubig nito at mamahagi ka sa iyong mga kapit-bahay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang mga Ash`arīy kapag kinapos ng baon sa labanan o nangaunti ang pagkain ng mga mag-anak nila sa Madīnah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagregalo ako sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,ang isang mabangis na Asno
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tungkulin ng taong Muslim na may bagay na ihahabilin hinggil doon na hindi magpalipas ng dalawang gabi malibang ang habilin niya ay nakasulat sa piling niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Utusan ninyo siya na magsalita siya, magpalilim siya, maupo siya, at lubusin niya ang ayuno niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nakasumpong ng ari-arian niya mismo sa piling ng isang lalaki - o isang tao - na nabangkarota, siya ay higit na karapat-dapat dito kaysa sa sinumang iba pa sa kanya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang magbinta ng Puno ng Palmerang pinapabunga,Ang magiging bunga nito ay para sa Taong nagbinta,maliban kong kasama ito sa kondisyon ng bumibili
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinagbawal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na salubungin ang mga panindang [dumarating],at ibinta ito ng mga nanahanan sa lugar sa mga taong naninirahan sa Disyerto.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinagbawal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang Muzabanah [Pagbibinta na may Pagtatantiya],;Ang ibinta niya ang bunga ng Harden niya kung ito ay Punong-Palmera;kapalit ng Tamr [Bunga ng Punong Palmera],sa pamamagitan ng pagtatantiya [sa sukat,laki o dami],At kung ito ay Ubas;kapag ibininta niya ito kapalit ng Tuyong-Ubas ,sa pamamagitan ng pagtatantiya [sa sukat,laki o dami],At kung ito ay Pananim:Kapag ibininta niya ito kapalit ng pagkain sa pamamagitan ng pagtatantiya [sa sukat,laki o dami],At ang lahat ng mga ito ay ipinagbawal niya))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal sa pagtitindang ḥabalulḥabalah.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay bumili mula sa isang Hudyo ng isang pagkain at nagsangla siya rito ng isang baluting yari sa bakal.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinagbawal ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang Mukhābarah at ang Muḥāqalah, ang Muzābanah, ang pagtitinda ng datiles [na hindi pa napitas] hanggang sa lumitaw ang kaungkupan nito, at na hindi magtinda malibang gamit ang dīnār at ang dirham maliban sa `arāyā.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Sugo ni Allāh, tunay na ako ay nagkamit ng isang lupain sa Khaybar. Hindi ako nagkamit ng isang ari-arian kailanman na higit na mamahalin para sa akin kaysa roon. Ano ang ipag-uutos mo sa akin doon?" Nagsabi ito: "Kung loloobin mo, panatilihin mo ang kabuuan niyon at magkawanggawa ka sa pamamagitan niyon."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Aray! Aray! Ang mismong patubo. Huwag mong gawin subalit kapag ninais mong bumili, ipagbili mo ang datiles kapalit ng ibang paninda. Pagkatapos ay ipambili mo ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal [sa pagtanggap] sa bayad sa aso, kaloob sa patotot, at pasalubong sa manghuhula.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
inuturing mo bang ako ay bumarat sa iyo upang kunin ko ang kamelyo mo? Kunin mo ang kamelyo mo at ang mga pera mo sapagkat iyon ay para sa iyo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag mo itong bilhin,at huwag mong bawiin ang ipinagkawang-gawa mo,kahit ibigay niya sa iyo sa halagang isang Dirham;Dahil ang bumabawi sa ipinagkaloob nito ay tulad ng pagbalik sa isinuka nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang bumabawi sa regalo niya ay gaya ng kumakain sa isinuka niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nagpaunang-bayad sa isang bagay ay magpaunang-bayad sa isang itinakdang takal at itinakdang timbang para sa itinakdang panahon.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kami noon ay ang pinakamarami sa Anṣār sa mga sakahan at kami noon ay nagpapaupa ng lupain sa kundisyon ukol sa amin ito at ukol sa kanila iyan. Marahil umani ito at hindi umani iyan. Ipinagbawal niya sa amin iyon. Tungkol naman sa pilak, hindi niya kami pinagbawalan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag kayong magtinda ng ginto kapalit ng ginto malibang isang tulad kapalit sa isang tulad at huwag kayong magpalabis sa isang bahagi nito higit sa ibang bahagi. Huwag kayong magtinda ng pilak kapalit ng pilak malibang isang tulad kapalit sa isang tulad at huwag kayong magpalabis sa isang bahagi nito higit sa ibang bahagi. Huwag kayong magtinda mula rito ng isang nakaliban kapalit ng isang nakahanda.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
"Huwag ngang pagbabawalan ng isang kapit-bahay ang kapit-bahay niya na magtalasok ng kahoy nito sa dingding niya." Pagkatapos ay nagsasabi si Abū Hurayrah: "Bakit nakikita ko kayo na mga umaayaw roon? Sumpa man kay Allah, talagang ikakalat ko nga iyon sa mga harapan ninyo."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nagpalaya ng isang aliping Muslim, palalayain siya ni Allah sa bawat bahagi ng katawan niya katumbas ng bahagi ng katawan niyon, pati ang ari niya katumbas ng ari niyon.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kaingat kayo sa madalas na panunumpa sa pagtitinda sapagkat tunay na ito ay nang-aakit sa pagbili, pagkatapos ay nagpapawalang-kabuluhan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang paggigiit ng isa sa inyo sa sinumpaan niya kaugnay sa mag-anak niya ay higit na makasalanan para sa kanya sa ganang kay Allah, pagkataas-taas Niya, kaysa sa magbigay siya ng panakip-sala niya na isinatungkulin ni Allah sa kanya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Pinalaya ng isang lalaki mula sa Tribo ng Ansar [kapag siya ay namatay] ang kanyang alipin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang magpalaya mula sa mga kasamahan nito ng isang alipin,At nagkaroon siya ng yaman na umabot sa halaga ng alipin,:ihalintulad niya ito sa halaga na matuwid,at ibigay sa mga kasamahan nito ang mga bahagi(pagmamay-ari) nila,at palayain sa kanya ang alipin.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinumaan ang magpalaya ng alipin [sa paraan na] hulug-hulugan-o bahagi nito,Isinasatungkulin sa kanya na palayain siya ng ganap sa yaman nito,At kung wala siyang sapat na yaman,kukwentahin ng pinuno [ng alipin] ang makatarungang halaga [nito]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
"May tatlong magkakamit ng dalawang gantimpala. Isang taong kabilang sa mga may kasulatan na sumampalataya sa propeta niya at sumampalataya kay Muḥammad. Ang aliping minamay-ari kapag ginampanan niya ang karapatan ni Allāh at ang karapatan ng amo niya. Isang lalaking may babaeng alipin, na hinubog niya ang kaasalan nito at hinusayan niya ang paghubog sa kaasalan nito, tinuruan niya ito at hinusayan niya ang pagtuturo niya rito, pagkatapos ay pinalaya niya ito at pinakasalan niya ito, kaya siya ay may dalawang gantimpala."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Timbangin mo at pabigatan nang kaunti.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Magaling! Iyon ay ari-ariang tutubo! Iyon ay ari-ariang tutubo! Narinig ko nga ang sinabi mo. Tunay na ako ay nagtuturing na ilaan mo ito sa mga kaanak.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Na may isang babaing nagdala sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng isang hinabing balabal
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal sa pagtitinda ng katapatang-loob at pagreregalo nito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Dumating sa akin ang sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-dadalaw sa akin sa taon ng hajj ng pamama-alam,dahil sa pagtindi ng sakit sa akin.sinabi ko sa sugo ni Allah,umabot na ako mula sa matinding sakit na nakikita mo,at ako ay nag-aari ng maraming kayamanan,at wala akong tagapag-mana maliban sa nag-iisang anak na babae,ipag-kakawang-gawa koba ang dalawang-tatlong bahagi ng kayamanan ko?Nagsabi siya:huwag,Sinabi ko: Ang kalahati nito O Sugo ni Allah?Nagsabi siya:huwag,Sinabi ko: ang tatlong bahagi nito?Nagsabi siya: oo ang tatlong bahagi nito,at ang tatlong bahagi ay marami na; At katotohanan sa iyo na ang pag-iwan mo sa mga tagapagmana mong mayayaman ay mas mainam sa pag-iwan mo sa mga pamilyang namamalad sa mga tao, at wala kang gugugulin mula sa iyong kawang-gawa na hinahangad ang kaluguran ni Allah maliban sa ginagantimpalaan ito,kahit ang ginagawa mo sa asawa mo.Nagsabi siya:Sinabi ko O Sugo ni Allah,maiiwan ba ako ng mga kasamahan ko?Nagsabi siya:Hinding-hindi ka maiiwan,at makakagawa ka ng gawain na hinahangad mo ang kaluguran ni Allah maliban sa madadag-dagan dahil dito ang iyong antas at kadakilaan.At Marahil kung ikaw man ay maiiwan ngunit makikinabang dahil sa iyo ang mga tao at mapipinsala dahil sa iyo ang mga iba O Allah pangyarihin mo para sa mga kasamahan ko ang paglikas nila at huwag mo silang pabalikin sa mga pinagdaanan nila ngunit ang sawi ay so Sa'd bin Khawlah (Nagluksa para sa kanya ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na namatay ito sa Makkah.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag ninyong salubungin ang dumarating na mangangalakal. Huwag sulutin ng ilan sa inyo ang pagtitinda ng iba pa. Huwag kayong magpataasan sa tawad. Huwag magtinda ang isang taga-bayan para sa isang taga-ilang. Huwag ninyong talian ang mga suso ng mga kamelyo at mga tupa.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nakipagkasunduan sa mga mamamayan ng Khaybar kapalit ng kalahati ng tumutubo mula roon na bunga o pananim.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tinanong ko si Rāfi` bin Khudayj tungkol sa pagpapaupa ng lupa kapalit ng ginto at pilak at nagsabi ito na walang masama rito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagpahintulot sa pagtinda ng mga [datiles na] `arīyah sa limang wasq o mababa sa limang wasq.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagpahintulot sa may-ari ng [datiles na] `arīyah na ipagbili ito ayon sa dami ng pagkahinog nito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tinanong ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, tungkol sa napulot na ginto o napulot na pilak kaya nagsabi siya: "Kilalanin mo ang panali at ang sisidlan nito. Pagkatapos ay ipatatalastas mo nang isang taon. Kung hindi ito nakilala ay magugugol mo ito o maging isang impok ito sa piling mo. Kung dumating ang naghahanap nito isang araw ng panahon ay isauli mo ito sa kanya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Humatol ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, [ng pagsang-ayon] sa habang-buhay na kaloob para sinumang ipinagkaloob ito sa kanya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Itinadhana ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang shuf`ah sa bawat hindi mahahati; ngunit kapag naitakda ang mga hangganan at nailatag ang mga daan, wala nang shuf`ah.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang karapatan sa pagmamana ay nasa sinumang nagpalaya lamang.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Walang pagkaulila pagkatapos ng pagbibinata [o pagdadalaga] at walang pananahimik sa [buong] araw hanggang gabi.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Qays bin Abe Hazim,Nagsabi siya:pumasok si Abu Bakar Asseddiq-malugod si Allah sa kanya-sa isang babae mula sa Ahmas,na tinatawag na:Zainab,nakita niya ito na hindi nagsasalita,Nagsabi siya:Ano ang nangyari sa kanya at hindi nagsasalita?Nagsabi sila:sinasadya niyang tumahimik.Nagsabi siya sa kanya:Magsalita ka dahil ang ganito ay hindi ipinapahintulot,ito ay kabilang sa gawain sa panahon ng kamang-mangan,At nagsalita .siya,Isinaysay ito ni Imam Al-Bukharie
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ukol sa aliping minamay-aring nagtutuwid ay dalawang kabayaran.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang binanggit niya ang isang lalaki mula sa Anak ng Israel,Nakiusap ang ilan sa mga Anak ng Israel na pahiramin ito ng Isang-libong Dinar,Nagsabi siya:Kumuha ka ng mga saksi na ipapasaksi ko ito sa kanila,Ang sabi niya; Sapat na si Allah bilang saksi,Nagsabi siya;Kumuha ka ng Taga-panagot,Ang sabi niya; Sapat na si Allah bilang Taga-panagot.Ang sabi niya; Katotohanan ang sinabi mo,At binayaran niya ito sa kanya sa palugit na natatakdaan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Talaga ngang nakita ko na ako ay ikapitong anak mula sa mga anak ni Muqarrin. Wala kaming utusan maliban sa isang babaeng sinampal ng pinakabata sa amin kaya inutusan kami ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na palayain ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanan ang Salah na ito ay hindi maaari sa kanya ang anuman mula sa salita ng tao, sa pagkat katotohanan siya ay isang Tasbeeh at Takbeer at pagbabasa ng Qur'an
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu