+ -

عن أبي بكرة رضي الله عنه قال: «نهى رسول الله صلى الله عليه وسلم عن الفضة بالفضة، والذهب بالذهب، إلا سَوَاءً بسوَاءٍ، وأمرنا أن نشتري الفضة بالذهب، كيف شئنا. ونشتري الذهب بالفضة كيف شئنا، قال: فسأله رجل فقال: يدا بيد؟ فقال: هكذا سمعت».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Bakrah Nufay` bin Al-Ḥārith Ath-Thaqafīy, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Ipinagbawal ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pagtitinda ng pilak kapalit ng pilak, at ng ginto kapalit ng ginto malibang kapantay kapalit ng kapantay. Ipinag-utos niya sa amin na bumili kami ng pilak kapalit ng ginto papaano man namin loobin at bumili ng ginto kapalit ng pilak papaano man namin loobin." May nagsabi: "Kaya tinanong siya ng isang lalaki at nagsabi: Abutan? Nagsabi siya: Gayon ang narinig ko."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Yayamang ang pagtitinda ng ginto kapalit ng ginto at ng pilak kapalit ng pilak habang nagkakaibahan sa timbang ay patubo, ipinagbawal niya ang bilihang hindi magkapantay ang timbang ng pambili sa timbang ng binili. Ang pagtitinda naman ng ginto kapalit ng pilak o ng pilak kapalit ng ginto ay walang masama kahit pa nagkakaibahan sa timbang alinsunod sa kundisyong kinakailangan sa katumpakan ng pagtitindang iyon ang abutan sa lugar ng transaksiyon - at kung hindi ito ay magiging ipinagbabawal na patubong nasī'ah - dahil tunay na kapag nagkaiba ang uri ay ipinahihintulot ang pagkakaibahan ng timbang ngunit nananatili ang kundisyon ng abutan ng paninda at bayad dahil sa ikadadahilan ng patubong nag-uugnay sa mga ito.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa Portuges
Paglalahad ng mga salin