+ -

عن أبي سعيد الخدري- رضي الله عنه-: جاء بلال إلى رسول الله صلى الله عليه وسلم بتمر بَرْنِيٍّ، فقال له النبي صلى الله عليه وسلم : «من أين لك هذا؟» قال بلال: كان عندنا تمر رديء، فبعتُ منه صاعين بصاع ليطعم النبي صلى الله عليه وسلم . فقال النبي صلى الله عليه وسلم عند ذلك: «أَوَّهْ، أَوَّهْ، عَيْنُ الربا، عين الربا، لا تفعل، ولكن إذا أردت أن تشتري فَبِعِ التمرَ ببيع آخر، ثم اشتر به».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya: Nagdala si Bilāl sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng datiles na barnīy kaya nagsabi rito ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Mula saan mo nakuha ito?" Nagsabi si Bilāl: "Mayroon kami dating datiles na masamang uri kaya nagbenta ako mula rito ng dalawang ṣā` kapalit ng isang ṣā` upang kainin ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan." Kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Aray! Aray! Ang mismong patubo. Huwag mong gawin subalit kapag ninais mong bumili, ipagbili mo ang datiles kapalit ng ibang paninda. Pagkatapos ay ipambili mo ito."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Dinalhan ni Bilāl ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng mahusay na datiles na barnīy. Humanga ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa kalidad nito at nagsabi: "Mula saan ito?" Nagsabi si Bilāl: "Dati mayroon kaming datiles kaya ibinenta ko ang dalawang ṣā` kapalit ng isang ṣā` ng mahusay na ito upang maging pagkain ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan." Minasama iyon ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Umaray siya dahil ang pagsuway para sa kanya ay ang pinakamabigat sa mga kasawian. Nagsabi siya: "Ang gawain mong ito ay ang mismong patubong ipinagbabawal kaya huwag mo nang gawin, subalit kapag ninais mong palitan ang masamang uri, ipagbili mo ang masamang uri sa pera. Pagkatapos ay ipambili mo ang pera ng mahusay na datiles. Ito ay isang paraang ipinahihintulot na gagawin mo upang maiwasan ang pagkasadlak sa ipinagbabawal." Taysīr Al-`Allām Sharḥ `Umdah Al-Aḥkām, p. 568.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa Portuges
Paglalahad ng mga salin