+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه مرفوعاً: «إذا أوى أحدكم إلى فراشه فَليَنْفُضْ فِرَاشَهُ بِدَاخِلَةِ إزَارِهِ فإنَّهُ لا يدري ما خلفه عليه، ثم يقول: باسمك ربي وضعت جنبي، وبك أرفعه، إن أمسكت نفسي فارحمها، وإن أرسلتها، فاحفظها بما تحفظ به عبادك الصالحين».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Kapag hihiga ang isa sa inyo sa higaan niya, pagpagin niya ang higaan niya ng laylayang panloob ng tapis niya sapagkat tunay na siya ay hindi nakaaalam kung ano ang pumalit sa kanya sa ibabaw nito. Pagkatapos ay magsabi siya: Bi-smika rabbī waḍa`tu jambī wa bika arfa`uhu in amsakta nafsī fa-rḥamhā wa in arsaltahā fa-ḥfađhā bimā taḥfađu bihi `ibādaka -ṣṣāliḥīn (Sa ngalan mo, Panginoon ko, inilalapag ko ang tagiliran ko. Kung pipigilin Mo ang kaluluwa ko ay kaawaan Mo ito. Kung palalayain Mo ito ay pangalagaan Mo ito ng ipinangangalaga Mo sa mga lingkod Mong matutuwid)."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Umiikot ang kahulugan ng ḥadīth na ito sa paglilinaw ng mga dhikr. Ito ay ang sandaling isinusuko ng tao ang kaluluwa niya sa Panginoon niya, sa sandaling hindi siya nagtataglay ng kakayahan ni lakas. Iniiwan niya ito sa kamay ng Tagapaglikha nito upang ingatan ito at ibalik ito, kalakip ng kalubusan ng pagpapaubaya sa Kanya, pagkataas-taas Niya. Nagsabi ang mga may kaalaman: Ang kasanhian ng pagsambit ng dhikr at panalangin sa sandali ng pagtulog at pagkagising ay upang ang wakas ng mga gawa niya ay maging ayon sa pagtalima at ang una sa mga gawa niya ay maging ayon sa pagtalima. Sa pinagpalang ḥadīth na ito, nililinaw sa atin ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang sunnah para sa tao na gawin at sabihin sa pagtulog. Ginabayan tayo ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa bahaging panggawain. Sinabi niya: "Kapag hihiga ang isa sa inyo sa higaan niya, pagpagin niya..." Ito ay dahil sa ang mga Arabe noon ay nag-iiwan ng higaan nang hindi naliligpit kaya marahil papasukin ang higaan, matapos lisanin ito ng tao, ng ilan sa mga insektong nakapipinsala o narumihan ng alikabok o tulad nito. Kaya ipinag-utos ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pagpapagpag sa higaan bago matulog. Pagkatapos ay nilinaw ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang kasangkapan ng pagpapagpag at paglilinis. Nagsabi siya: "...pagpagin niya ang higaan niya ng laylayang panloob ng tapis niya." Ang tapis ay ang isinusuot sa ilalim ng katawan. Ang tinutukoy ay ang dulo ng panloob na kasuutan dahil ito ay pinakamadali sa pagpapagpag, at upang hindi masagi ang labas ng tapis ng anumang dumi at tulad nito. Ito rin ay higit na nakatatakip sa kahubaran. Pagkatapos ay nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Pagkatapos ay nagsasabi siya: Bi-smika rabbī..." Nangangahulugan itong: Sa ngalan ni Allāh, ang Mataas, ang Dakila, ilalapag ko ang katawan kong namamahinga sa higaan." Ito ay nagpapatunay sa pagtuturing na kaibig-ibig ang pagpapanatili ng tao sa pag-alaala sa Panginoon niya sa bawat sandali. Pagkatapos ay nagsasabi siya: "waḍa`tu jambī wa bika arfa`uhu..." Nangangahulugan itong: Tunay na ako ay naglalapag ng katawang ito at hindi nag-aangat nito malibang isinasabay ang pagsambit sa Iyo. Pagkatapos ay nagsabi siya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "in amsakta nafsī fa-rḥamhā... (kung pinigilan mo ang kaluluwa ko ay kaawaan Mo ito..." bilang taguri sa kamatayan. Ang sabi niya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "wa in arsaltahā..." ay bilang taguri sa buhay. Ang sabi niya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "fa-ḥfađhā bimā taḥfađu bihi `ibādaka -ṣṣāliḥīn" ay nangangahulugang: na pangalagaan Mo ang kaluluwa ko at ang espiritu ko ng ipinangangalaga Mo sa mga lingkod Mo. Ito ay pag-iingat na pangkalahatan laban sa lahat ng mga kasalanan, mga nakapapahamak, at mga kasamaan, gaya ng sabi niya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ingatan mo si Allāh, iingatan ka Niya." Ito ay pag-iingat na pangkalahatan mula sa natatanging pag-iingat ni Allāh na inilalaan ni Allāh, pagkataas-taas Niya, sa mga tinangkilik Niya, subalit maaaring makatamo ng isang bahagi mula sa pag-iingat na pangkalahatan.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish
Paglalahad ng mga salin