+ -

عن النعمان بن بشير رضي الله عنهما قال: تصدق علي أبي ببعض ماله، فقالت أمي عَمْرَة بنت رَوَاحَة: لا أرضى حتى تشهد رسول الله صلى الله عليه وسلم فانطلق أبي إلى رسول الله صلى الله عليه وسلم ليُشْهِد على صدقتي فقال له رسول الله صلى الله عليه وسلم : أفعلت هذا بولدك كلهم؟ قال: لا، قال: «اتقوا الله واعدلوا في أولادكم، فرجع أبي، فرد تلك الصدقة». وفي لفظ: «فلا تُشْهدني إذًا؛ فإني لا أشهد على جَوْرٍ». وفي لفظ: «فأشهد على هذا غيري».
[صحيح] - [متفق عليه، وله ألفاظ عديدة]
المزيــد ...

Ayon kay An-Nu`mān bin Bashīr, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Nagkawanggawa sa akin ang ama ko ng ilan sa yaman niya kaya nagsabi ang ina kong si `Amrah bint Rawāḥah: Hindi ako malulugod hanggang sa pasaksihin mo ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Lumisan ang ama ko papunta sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, upang pasaksihin niya ito sa pagkakawanggawa niya sa akin. Nagsabi sa kanya ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Ginawa mo ba ito sa mga anak mo, sa lahat sa kanila? Nagsabi siya: Hindi po. Nagsabi ito: Mangilag kang magkasala kay Allāh at maging makatarungan ka sa mga anak mo. Umuwi ang ama ko at binawi ang kawanggawang iyon." Sa isang pananalita: "Kaya huwag mo akong pasaksihin samakatuwid sapagkat tunay na ako ay hindi sumasaksi sa paniniil." Sa isa pang pananalita: "Pasaksihin mo rito ang iba pa sa akin."
[Tumpak] - [Napagkaisahan sa katumpakan sa maraming salaysay]

Ang pagpapaliwanag

Binanggit ni An-Nu`mān bin Bashīr Al-Anṣārīy na ang ama niya ay nagtangi sa kanya sa isang kawanggawa mula sa yaman nito kaya ninais ng ina niya na pagtibayin ito sa pamamagitan ng pagsaksi ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, yamang hiniling ng ina niya mula sa ama niya na pasaksihin ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, doon. Noong dinala siya ng ama niya sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, upang magsagawa ng pagsaksi, nagsabi rito ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Nagkawanggawa ka ba ng tulad ng kawanggawang ito sa mga anak mo, sa lahat sa kanila?" Nagsabi ito: "Hindi po." Ang pagbubukod sa isa sa mga anak bukod sa iba pa o ang pagtatangi sa ilan sa kanila higit sa iba pa ay isang gawaing sumasalungat sa taqwā (pangingilag sa pagkakasala). Ito ay kabilang sa paniniil at paglabag sa katarungan dahil sa dulot nito na katiwalian yamang nagdadahilan ito ng pagkalagot ng ugnayan ng mga hindi itinangi sa magulang nila at ng paglayo ng loob nila sa kanya. Nagdadahilan pa ito ng pagkamuhi nila at pagkasuklam nila sa mga itinanging kapatid nila. Yayamang ang mga ito ay ilan sa mga katiwalian niyon, nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Mangilag kang magkasala kay Allāh at maging makatarungan ka sa mga anak mo." Pinagsabihan niya ito at pinaiwas sa gawaing ito sa pamamagitan ng sabi niya: "Pasaksihin mo rito ang iba pa sa akin."

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Swahili Asami الأمهرية الهولندية
Paglalahad ng mga salin