عن أبي مسعود رضي الله عنه «أن رسول الله صلى الله عليه وسلم نهى عن ثمن الكلب، ومَهْرِ البغي، وحُلْوَانِ الكَاهِنِ».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Mas`ūd Al-Anṣārīy, malugod si Allāh sa kanya: "Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal [sa pagtanggap] sa bayad sa aso, kaloob sa patotot, at pasalubong sa manghuhula."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ang paghahanap ng ikabubuhay ay may mga paraang marangal, kagalang-galang, at kaaya-aya, na ginawa ni Allāh na panumbas sa mga paraang marumi at kalait-lait. Kaya yayamang sa mga unang paraan ay may kasapatan para gawin pa ang mga ikalawang paraan at yayamang ang mga katiwalian ng ikalawa ay mabigat na hindi makatutumbas ang anumang taglay nitong kapakinabangan, ipinagbawal ng Batas ng Islām ang mga maruming paraang kabilang sa kabuuan ng mga ito ang tatlong transaksiyon: 1. Ang pagtitinda ng aso sapagkat ito ay marumi at salaula, 2. Gayon din ang tinatanggap ng nangangalunya kapalit ng kahalayan niya na nagdudulot ng kasiraan sa buhay panrelihiyon at pangmundo, 3. Tulad nito ang tinanggap ng mga alagad ng panunuba at pagliligaw na mga nag-aangkin daw ng kaalaman sa nakalingid at ng karapatang gawin ang anuman sa mga nilalang, na nanlalansi sa mga tao sa pamamagitan ng kabulaanan nila upang dambungin ang mga yaman nila at pakinabangan ang mga ito ayon sa kabulaanan. Ang lahat ng mga paraang ito ay marumi at ipinagbabawal, na hindi ipinahihintulot gawin ni tanggapin ang kabayaran dito. Pinalitan na ang mga ito ni Allāh ng mga paraang ipinahihintulot at marangal.