عن رافع بن خديج رضي الله عنهما أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: «ثمن الكلب خبيث، ومهر البغي خبيث، وكسب الحجام خبيث».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Rāfi` bin Khudayj, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsabi: "Ang bayad sa aso ay marumi. Ang kaloob sa patotot ay marumi. Ang kinita ng mambabakam ay marumi."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Nililinaw sa atin ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang mga kinikitang marumi at kalait-lait upang iwasan natin at piliin ang mga kinikitang kaaya-aya at marangal. Kabilang sa mga iyon ang bayad sa aso, ang upa sa patotot sa pangangalunya nito, at ang kinita ng mambabakam.