عن جابر بن عبد الله رضي الله عنهما : «أنه كان يسير على جمل فأعيا، فأراد أن يُسَيِّبَهُ. فلحقني النبي صلى الله عليه وسلم فدعا لي، وضربه، فسار سيرا لم يَسِرْ مثله. ثم قال: بِعْنِيهِ بأُوقية. قلتُ: لا. ثم قال: بِعْنِيه. فَبِعْتُهُ بأوقية، واستثنيت حُمْلَانَهُ إلى أهلي. فلما بلغت: أتيته بالجمل. فنقدني ثمنه. ثم رجعت. فأرسل في إثري. فقال: أتَرَانِي مَاكستُكَ لآخذ جملك؟ خذ جملك ودراهمك، فهو لك».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Jābir bin Abdillāh, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: Siya noon ay naglalakbay sakay ng isang kamelyo niya ngunit napagod ito kaya ninanais niyang pawalan ito. [Nagsabi ito:] Naabutan ako ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Dumalangin siya para sa akin at tinapik niya ito kaya tumakba ito nang takbong hindi tumakbo ito ng tulad niyon. Pagkatapos ay nagsabi siya: "Ipagbili mo sa akin ito ng isang ūqīyah." Nagsabi ako: "Hindi." Pagkatapos ay nagsabi siya: "Ipagbili mo sa akin ito." Kaya ipinagbili ko ito ng isang ūqīyah at isinakundisyon ko ang pagkakarga sa akin papunta sa mag-anak ko. Kaya noong nakarating ako, pumunta ako sa kanya dala ang kamelyo at binayaran niya ako ng halaga niyon. Pagkatapos ay umuwi ako ngunit may ipinadala siya [na nakasunod] sa likuran at nagsabi siya: "Itinuturing mo bang ako ay bumarat sa iyo upang kunin ko ang kamelyo mo? Kunin mo ang kamelyo mo at ang mga pera mo sapagkat iyon ay para sa iyo."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Si Jābir bin Abdillāh, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, ay kasama ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa isa sa mga pagsalakay. Siya noon ay nakasakay sa isang kamelyong nangayayat kaya napagod sa paglakad kasabay ng paglalakbay ng hukbo hanggang sa ninais na niyang pawalan ito at umalis ito nang kusa dahil sa kawalan ng pakinabang nito. Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, dahil sa habag niya sa mga Kasamahan niya at Kalipunan niya ay naglalakad noon sa hulihan ng hukbo bilang pagdamay sa mahina, nanghihina, at naiiwan. Naabutan niya si Jābir habang ito ay sakay ng payat na kamelyo nito. Dumalangin siya para rito. Tinapik niya ang kamelyo nito at ang tapik niyang marangal at maawain ay naging lakas at tulong para sa kamelyong nanghihina kaya tumakbo ito nang takbong hindi tumakbo ito ng tulad niyon. Ninais niya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, dahil sa karangalan ng kaasalan niya at kabaitan niya na pagalakin si Jābir at isali ito sa pag-uusap na nakatutulong sa pagtahak sa paglalakbay. Sinabi niya: "Ipagbili mo sa akin ito ng isang ūqīyah." Pinanabikan ni Jābir, malugod si Allāh sa kanya, ang kabutihang-loob ni Allāh at nalalaman niya na hindi nababawasan ang pagrerelihiyon niya sa pagtangging ipagbili iyon sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, dahil ito ay hindi napaloob sa pagtalimang isinasatungkulin yayamang ang utos ay hindi sa paraang pag-oobliga. Sa kabila nito, tunay na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay umulit ng hiling sa kanya kaya ipinagbili niya ito ng isang ūqīyah at isinakundisyon niyang isakay siya nito hanggang sa mag-anak niya sa Madīnah. Tinanggap naman ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang kundisyon niya. Noong nakarating sila, inihatid niya ang kamelyo at ibinigay sa kanya Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang halaga. Noong umuwi siya, may ipinadalang taong nakasunod sa likuran niya. Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Inaakala mo bang nakipagbilihan ako sa iyo sa paghahangad sa kamelyo mo upang kunin sa iyo? Kunin mo ang kamelyo mo at ang mga pera mo sapagkat ang mga ito ay para sa iyo." Hindi ito kataka-taka sa kagalantehan niya, kaasalan niya, at kabaitan niya sapagkat taglay niya ang mga dakilang saloobin.