+ -

عَنِ الزُّبَيْرِ بْنِ العَوَّامِ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«لَأَنْ يَأْخُذَ أَحَدُكُمْ حَبْلَهُ، فَيَأْتِيَ بِحُزْمَةِ الحَطَبِ عَلَى ظَهْرِهِ، فَيَبِيعَهَا، فَيَكُفَّ اللَّهُ بِهَا وَجْهَهُ خَيْرٌ لَهُ مِنْ أَنْ يَسْأَلَ النَّاسَ أَعْطَوْهُ أَوْ مَنَعُوهُ».

[صحيح] - [رواه البخاري] - [صحيح البخاري: 1471]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Az-Zubayr bin Al-`Awwām (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Talagang ang kumuha ang isa sa inyo ng lubid niya saka magdala siya ng isang bigkis ng panggatong sa ibabaw ng likod niya saka magtinda nito para makapigil si Allah dahil dito sa [paghamak sa] mukha niya ay higit na mabuti para sa kanya kaysa sa maghingi siya sa mga tao: magbigay man sila sa kanya o magkait man sila sa kanya."}

[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy] - [صحيح البخاري - 1471]

Ang pagpapaliwanag

Naglinaw ang Propeta (s) na ang isa kabilang sa mga tao ay magtrabaho ng alinmang trabaho kahit pa man kumuha siya ng isang lubid saka magtipon siya sa pamamagitan nito ng panggatong na papasanin sa likod niya saka magtinda nito at makakain mula rito o magkawanggawa sa pamamagitan nito at magwalang-pangangailangan sa pamamagitan nito sa mga tao at makapagsanggalang ng mukha niya sa kahamakan ng panghihingi ay higit na mabuti para sa kanya kaysa sa humingi sa mga tao saka magbibigay man sila sa kanya o magkakait man sila sa kanya. Ang panghihingi sa mga tao ay nakahahamak samantalang ang mananampalataya ay kamahal-mahal hindi kahamak-hamak.

من فوائد الحديث

  1. Ang pag-udyok sa pagpipigil sa panghihingi at ang pagpapakawalang-kinalaman dito.
  2. Ang paghimok sa pagtatrabaho para sa pagtamo ng panustos kahit pa man napaaba ang naaatangan ng tungkulin sa isang payak at hamak na gawain sa paningin ng mga tao.
  3. Ang pakikidigmaan ng Islam sa pagpapalimos at katakawan. Dahil doon inobliga niyon ang pagpupunyagi at ang pagtatrabaho, kahit pa man ito ay naging mahirap gaya ng pangangahoy, halimbawa.
  4. Hindi naipahiintulot ang panghihingi sa kabila ng kakayahan sa pagtatrabaho at pagkita ng panustos.
  5. Ang paghingi sa pamahalaan kasabay ng pangangailangan ay pinapayagan. Nagsabi si Allah (Qur'an 9:92): {Walang [maisisi] sa mga kapag pumunta sa iyo upang magpasakay ka sana sa kanila ay nagsabi ka: “Hindi ako nakatatagpo ng maipasasakay ko sa inyo.” Tumalikod sila habang ang mga mata nila ay nag-uumapaw sa luha dala ng pagkalungkot na hindi sila nakatatagpo ng maigugugol nila.}
  6. Ang sinumang napilitan sa paghingi at humina sa pagkita at pangangahoy, pinapayagan sa kanya na manghingi ngunit hindi siya mamimilit at mangungulit. Nagsabi si Allah (Qur'an 2:273): { hindi sila nanghihingi sa mga tao nang may pamimilit.}
  7. Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Nasaad dito ang paghimok sa pagkakawanggawa, pagkain mula sa gawain ng kamay, at pagkita sa pamamagitan ng mga gawaing pinapayagan.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Swahili Thailand Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية الدرية الرومانية المجرية الجورجية المقدونية الخميرية الماراثية
Paglalahad ng mga salin