+ -

عَنْ جَابِرٍ رضي الله عنه قَالَ: سَمِعْتُ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَبْلَ وَفَاتِهِ بِثَلَاثٍ يَقُولُ:
«لَا يَمُوتَنَّ أَحَدُكُمْ إِلَّا وَهُوَ يُحْسِنُ بِاللهِ الظَّنَّ».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2877]
المزيــد ...

Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), tatlong araw bago ng pagpanaw niya, na nagsasabi:
"Huwag ngang mamamatay ang isa sa inyo malibang habang siya ay nagpapaganda ng palagay kay Allāh."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2877]

Ang pagpapaliwanag

Humimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Muslim na hindi mamatay malibang habang siya ay nagpapaganda ng palagay kay Allāh sa pamamagitan ng pagpapanaig niya sa aspeto ng pag-asa sa sandali ng paghihingalo na si Allāh ay maaawa sa kanya at magpapaumanhin sa kanya dahil ang pangamba ay hinihiling para sa pagpapaganda ng gawain. Ang kalagayang iyon ay hindi kalagayan ng mga gawain kaya ang hinihiling dito ay ang pagpapanaig niya ng pag-asa.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Swahili Tamil Thailand Pushto Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang sigasig ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa paggabay sa Kalipunan niya at ang tindi ng habag niya rito sa lahat ng mga kalagayan niya, na hanggang sa paghihingalo niya ay nagpapayo siya sa Kalipunan niya at nagtuturo siya rito ng mga landasin ng kaligtasan.
  2. Nagsabi si Aṭ-Ṭaybīy: Magpaganda kayo ng mga gawain ninyo ngayon nang sa gayon gumanda ang palagay ninyo kay Allāh sa sandali ng kamatayan; sapagkat tunay na ang sinumang sumagwa ang gawain niya bago ng kamatayan, sasagwa ang palagay niya sa sandali ng kamatayan.
  3. Ang pinakalubos sa mga kalagayan para sa tao ay ang pagkabalanse ng pag-asa at pangamba at ang pananaig ng pag-ibig sapagkat ang pag-ibig ay ang sasakyan, ang pag-asa ay tagatulak, ang pangamba ay tagaakay, at si Allāh ay ang tagapagparating sa pamamagitan ng kagandahang-loob Niya at pagkamapagbigay Niya.
  4. Nararapat sa sinumang naging malapit sa sinumang naghihingalo na magpanaig siya rito ng aspeto ng pag-asa at kagandahan ng palagay kay Allāh sapagkat sa ḥadīth na ito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi niyon tatlong araw bago siya mamatay.