+ -

عن أبي قتادة رضي الله عنه : أنه سمع رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول: «إيَّاكُمْ وكَثْرَةَ الحَلِفِ في البيع، فإنه يُنَفِّقُ ثم يَمْحَقُ».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Qatādah, malugod si Allah sa kanya, siya ay nakarinig sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na nagsasabi: "Kaingat kayo sa madalas na panunumpa sa pagtitinda sapagkat tunay na ito ay nang-aakit sa pagbili, pagkatapos ay nagpapawalang-kabuluhan."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Ang kahulugan ng hadith ay mag-ingat kayo sa madalas na panunumpa sa pagtitinda at pagbili kahit pa man tapat dahil ang madalas na nanunumpa ay mapaghihinalaang nasasadlak sa pagsisinungaling. Halimbawa, hindi nararapat sa tao na magsabi: "Sumpa man kay Allah, talaga ngang nabili ko iyan sa halagang isandaan," kahit pa man siya nagsasabi ng totoo. Kung siya naman ay nagsisinungaling, ito ay magiging kawalang katarungan. Magpakupkop kay Allah. Kung sakaling sinabi naman niya: "Sumpa man kay Allah, talaga ngang binili ko ito sa halagang isandaan," gayong binili niya lamang ito sa halagang walumpo. Ito ay magiging higit na matindi dahil siya dahil doon ay nagiging isang sinungaling na nanunumpa pa sa pagtitinda. Ipinagbawal nga ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, iyon. Ipinabatid niya na ang mga panunumpa sa pagtitinda ay isang dahilan sa pagbili sa paninda. Pagkatapos, tunay na si Allah, pagkataas-taas Niya, ay magpapawalang-saysay sa biyaya rito dahil ang kinitang ito ay nakabatay sa pagsuway sa Sugo, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Ang pasuway sa Sugo ay isang pagsuway kay Allah. Marami sa mga tao ang nasasadlak sa bagay na ito. Makikita mo siya, halimbawa, na nagsasabi sa parokyano: "Sumpa man kay Allah, ito ay mabuti. Sumpa man kay Allah, nabili ko ito sa halagang ganito." Magkatulad laman kung siya ay tapat o sinungaling sapagkat ito ay ipinagbabawal dahil nagtataglay ito ng kawalang katarungan sa mga ibang tao. Sharḥ Riyāḍ aṣ-Ṣāliḥīn ni Ibnu `Uthaymīn, 461-462/6.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin