عَنْ عَبْدِ الرَّحْمَنِ بْنِ سَمُرَةَ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«لَا تَحْلِفُوا بِالطَّوَاغِي، وَلَا بِآبَائِكُمْ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 1648]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdurraḥmān bin Samurah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Huwag kayong sumumpa sa mga nagpapakadiyos ni sa mga magulang ninyo."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 1648]
Sumasaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagsumpa sa mga nagpapakadiyos. Ang mga ito ay ang mga anito, na ang mga tagapagtambal noon ay sumasamba sa mga ito bukod pa kay Allāh. Ang mga ito ay kadahilanan ng pagmamalabis nila at kawalang-pananampalataya nila. Sumasaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagsumpa sa mga magulang yayamang naging bahagi ng gawi ng mga Arabe sa Panahon ng Kamangmangan na sumusumpa sa mga magulang nila bilang pagmamalaki at bilang pagdakila.