+ -

عن عائشة أم المؤمنين وعبد الله بن عباس رضي الله عنهما قالا:
لَمَّا نَزَلَ بِرَسُولِ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ طَفِقَ يَطْرَحُ خَمِيصَةً لَهُ عَلَى وَجْهِهِ، فَإِذَا اغْتَمَّ بِهَا كَشَفَهَا عَنْ وَجْهِهِ، فَقَالَ وَهُوَ كَذَلِكَ: «لَعْنَةُ اللَّهِ عَلَى اليَهُودِ وَالنَّصَارَى، اتَّخَذُوا قُبُورَ أَنْبِيَائِهِمْ مَسَاجِدَ» يُحَذِّرُ مَا صَنَعُوا.

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 435]
المزيــد ...

Ayon kina `Ā'ishah at `Abdullāh bin `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsasabi:
{Noong bumaba ang paghihingalo sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), nagsimula siyang nagtatakip ng isang tela niya sa mukha niya. Kapag naghabol siya ng hininga dahil dito, nag-aalis siya nito sa mukha niya; saka nagsabi siya habang siya ay ganoon: "Ang sumpa ni Allāh ay sa mga Hudyo at mga Kristiyano. Gumawa sila sa mga libingan ng mga propeta nila bilang mga sambahan." Nagbibigay-babala siya sa ginawa nila.}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 435]

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid sa atin sina `Ā'ishah at `Abdullāh bin `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nang dumalo sa Propeta (malugod si Allāh sa kanya) ang pagpanaw, nagsimula siyang naglalagay ng isang piraso ng tela sa mukha niya. Kapag humirap sa kanya ang paghinga dahilan sa hapdi ng paghihingalo, nag-aalis siya nito sa mukha niya. Nagsabi siya sa gayong matinding kalagayan: "Sumpain ni Allāh ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano at itaboy Niya sila mula sa awa Niya." Iyon ay dahil sila ay nagpatayo ng mga sambahan sa ibabaw ng mga libingan ng mga propeta nila. Kung sakaling hindi dahil sa pagkapanganib ng usapin, hindi sana Siya bumanggit nito sa tulad ng katayuang ito. Dahil dito, sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya laban sa pakikiwangis sa gawaing iyon dahil iyon ay kabilang sa gawain ng mga Hudyo at mga Kristiyano at dahil iyon ay isang pagsasadahilang umaabot sa pagtatambal kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف Luqadda Asariga الأوكرانية الجورجية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagpigil laban sa paggawa sa mga libingan ng mga propeta at mga maayos na tao bilang mga sambahang pinagdarasalan para kay Allāh dahil iyon ay isang kaparaanan tungo sa Shirk.
  2. Ang katindihan ng pagpapahalaga ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at pagmamalasakit niya sa Tawḥīd at ng pangamba niya sa pagdakila sa mga libingan dahil iyon ay humahantong sa Shirk.
  3. Ang pagpayag sa pagsumpa sa mga Hudyo, mga Kristiyano, at sinumang gumawa ng tulad ng gawain nila na pagpapatayo ng estruktura sa ibabaw ng mga libingan at paggawa sa mga ito bilang mga sambahan.
  4. Ang pagpapatayo ng estruktura sa ibabaw ng mga libingan ay kabilang sa mga kalakaran ng mga Hudyo at mga Kristiyano. Nasaad sa ḥadīth ang pagsaway laban sa pagpapakawangis sa kanila.
  5. Bahagi ng paggawa sa mga libingan bilang mga sambahan ang pagdarasal sa tabi ng mga ito at paharap sa mga ito, kahit pa man hindi pinatayuan ng isang sambahan.
Ang karagdagan