عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: قلت: يارسول الله، "من أسعد الناس بشفاعتك؟ قال: من قال لا إله إلا الله خالصا من قلبه".
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Sino po ang pinakamaligaya sa mga tao sa hiling ng pamamagitan mo? Nagsabi siya: Ang sinumang nagsabi na walang Diyos kundi si Allah nang nagpapakawagas mula sa puso niya."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
Nagtanong si Abū Hurayrah sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, tungkol sa pinakamarami sa mga tao sa kaligayahan sa hiling ng pamamagitan ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at pinakamarami sa kanila sa pabor doon. Ipinabatid sa kanya ng Sugo, sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga, na sila ay ang mga nagsabi ng pagsasaksing ito, ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allah at na si Muḥammad ay Sugo ni Allah, nang nagpapakawagas mula sa puso, na hindi nahahaluan ito ng shirk ni pakitang-tao.