+ -

عن جندب رضي الله عنه قال:
سَمِعْتُ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَبْلَ أَنْ يَمُوتَ بِخَمْسٍ وَهُوَ يَقُولُ «إِنِّي أَبْرَأُ إِلَى اللهِ أَنْ يَكُونَ لِي مِنْكُمْ خَلِيلٌ فَإِنَّ اللهَ تَعَالَى قَدِ اتَّخَذَنِي خَلِيلًا كَمَا اتَّخَذَ إِبْرَاهِيمَ خَلِيلًا، وَلَوْ كُنْتُ مُتَّخِذًا مِنْ أُمَّتِي خَلِيلًا لَاتَّخَذْتُ أَبَا بَكْرٍ خَلِيلًا! أَلَا وَإِنَّ مَنْ كَانَ قَبْلَكُمْ كَانُوا يَتَّخِذُونَ قُبُورَ أَنْبِيَائِهِمْ وَصَالِحِيهِمْ مَسَاجِدَ، أَلَا فَلَا تَتَّخِذُوا الْقُبُورَ مَسَاجِدَ! إِنِّي أَنْهَاكُمْ عَنْ ذَلِكَ».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 532]
المزيــد ...

Ayon kay Jundub (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) limang [araw] bago siya mamatay habang siya ay nagsasabi: "Tunay na ako ay nagpapawalang-kaugnayan sa harap ni Allāh na magkaroon ako kabilang sa inyo ng isang matalik na kaibigan sapagkat tunay na si Allāh (napakataas Siya) ay gumawa sa akin bilang matalik na kaibigan gaya ng paggawa Niya kay Abraham bilang matalik na kaibigan. Kung sakaling ako ay gagawa mula sa Kalipunan ko ng isang matalik na kaibigan, talaga sanang gumawa ako kay Abū Bakr bilang matalik na kaibigan. Pansinin at tunay na ang kabilang sa mga bago ninyo noon ay gumagawa sa mga libingan ng mga propeta nila at mga maayos na tao nila bilang mga sambahan. Pansinin, kaya huwag kayong gumawa sa mga libingan bilang mga sambahan. Tunay na ako ay sumasaway sa inyo laban doon."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 532]

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa katayuan niya sa ganang kay Allāh (napakataas Siya) at na ito ay umabot sa pinakamataas sa mga antas ng pag-ibig gaya ng pagkatamo nito ni Abraham (sumakanya ang pangangalaga). Dahil doon, nagkaila siya na magkaroon siya ng isang matalik na kaibigan na iba pa kay Allāh dahil ang puso niya ay napuno ng pag-ibig, pagdakila, at pagkakilala kay Allāh (napakataas Siya) kaya hindi nakasasaklaw ito sa isang iba pa kay Allāh. Kung sakaling nagkaroon siya ng isang matalik na kaibigan kabilang sa nilikha, talaga sanang ito ay si Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh sa kanya). Pagkatapos nagbigay-babala siya laban sa paglampas sa hangganang pinapayagan sa pag-ibig gaya ng ginawa ng mga Hudyo at mga Kristiyano sa mga libingan ng mga propeta nila at mga maayos na tao nila hanggang sa nagbigay-anyo sila sa mga ito bilang mga diyos na pampagano na sinasamba bukod pa kay Allāh at nagpatayo sila sa ibabaw ng mga libingan ng mga ito ng mga sambahan at mga templo. Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Kalipunan niya na gumawa sila ng tulad ng ginawa ng mga iyon.

من فوائد الحديث

  1. Ang kalamangan ni Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq (malugod si Allāh sa kanya) at na siya ay pinakamainam sa mga Kasamahan at pinakamalapit sa mga tao sa paghalili sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) matapos ng pagkamatay nito.
  2. Ang pagpapatayo ng mga sambahan sa ibabaw ng mga libingan ay kabilang sa mga kasamaan ng mga naunang kalipunan.
  3. Ang pagsaway laban sa paggawa sa mga libingan bilang mga lugar para sa pagsamba – na pinagdarasalan sa mga ito o tungo sa mga ito at pinatatayuan sa ibabaw ng mga ito ng mga sambahan o mga kupola – ay bilang pag-iingat laban sa pagkakasadlak sa Shirk dahilan doon.
  4. Ang pagbibigay-babala laban sa pagpapalabis sa pagpipitagan sa mga maayos na tao dahil sa pagpapahantong nito sa Shirk.
  5. Ang pagkapanganib ng ibinigay-babala ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) yayamang nagbigay-diin siya rito limang araw bago ng pagkamatay niya.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka الفولانية Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga الأكانية الأوزبكية الأوكرانية الجورجية المقدونية
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan