+ -

عَنْ عَبْدِ اللهِ بنِ مَسْعُودٍ رضي الله عنه قال:
قَالَ النَّبِيُّ صلى الله عليه وسلم كَلِمَةً وَقُلْتُ أُخْرَى، قَالَ النَّبِيُّ صلى الله عليه وسلم: «مَنْ مَاتَ وَهُوَ يَدْعُو مِنْ دُونِ اللهِ نِدًّا دَخَلَ النَّارَ» وَقُلْتُ أَنَا: مَنْ مَاتَ وَهُوَ لَا يَدْعُو لِلهِ نِدًّا دَخَلَ الْجَنَّةَ.

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 4497]
المزيــد ...

Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang pangungusap at nagsabi ako ng isang iba naman. Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang namatay habang siya ay dumadalangin sa iba pa kay Allāh na isang kaagaw, papasok siya sa Impiyerno." Nagsabi ako mismo: "Ang sinumang namatay habang siya ay hindi dumadalangin sa isang kaagaw kay Allāh, papasok siya sa Paraiso."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 4497]

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid sa atin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagbabaling ng anuman, kabilang sa kinakailangan na maging ukol kay Allāh, sa iba pa sa Kanya, gaya ng pagdalangin sa iba pa kay Allāh (napakataas Siya) o pagpapatulong sa iba pa sa Kanya, at namatay sa gayon, tunay na siya ay kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno. Nagdagdag si `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na ang sinumang namatay habang siya ay hindi nagtatambal kay Allāh ng anuman, tunay na ang kahahantungan niya ay tungo sa Paraiso.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف Luqadda Asariga الأوكرانية الجورجية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang panalangin ay pagsambang hindi ibinabaling kundi kay Allāh (napakataas Siya).
  2. Ang kainaman ng Tawḥīd at na ang sinumang namatay rito ay papasok sa Paraiso, kahit pa pagdurusahin siya dahil sa ilan sa mga pagkakasala niya.
  3. Ang panganib ng Shirk at na ang sinumang namatay rito ay papasok sa Impiyerno.
Ang karagdagan