عن زيد بن خالد الجُهني رضي الله عنه مرفوعاً: «لا تَسُبُّوا الدِّيْك فإنه يُوْقِظ للصلاة».
[صحيح] - [رواه أبو داود وأحمد والنسائي]
المزيــد ...
Ayon kay Zayd bin Khālid Al-Juhanīy, malugod si Allāh sa kanya: "Huwag ninyo alipustain ang tandang sapagkat tunay na ito ay nanggigising para sa pagdarasal."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
Ipinababatid ni Zayd bin Khālid Al-Juhanīy, malugod si Allāh sa kanya, na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal sa pag-alipusta sa tandang. Nagbigay-dahilan siya para roon na ito ay nanggigising sa natutulog sa pamamagitan ng tilaok nito alang-alang sa pagdarasal. Sa isang sanaysay sa ganang kina Imām Aḥmad at Imām An-Nasā’īy: "nananawagan para sa pagdarasal." Dahil dito, ipinagbawal ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang pag-alipusta rito dahil may isang hayag na kabutihan sa paggising sa mga tao. Ito ay ang pagtulong sa kanila sa pagtalima kay Allāh. Ang sinumang tumutulong sa pagtalima, tunay na ito ay karapat-dapat sa papuri hindi pamumula. Kabilang sa pinakadakilang mga kababalaghan ng tandang ay ang kaalaman sa mga oras ng gabi at ang pagtilaok sa mga oras nito. Nagkakasunud-sunod ang tilaok nito bago ang madaling-araw at matapos nito. Napakamaluwalhati Niyang nagpatnubay sa tandang sa gawaing iyon.