عن جابر رضي الله عنه : أن رسول الله صلى الله عليه وسلم دخل على أُمِّ السَّائِب، أو أُمِّ المُسَيَّب رضي الله عنها فقال: «ما لك يا أمَّ السَّائِب -أو يا أمَّ المُسَيَّب- تُزَفْزِفِينَ؟» قالت: الحُمَّى لا بارك الله فيها! فقال: «لا تَسُبِّي الحُمَّى فإنها تُذهب خَطَايَا بَنِي آدم كما يذهب الكِيْرُ خَبَثَ الحديد».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Jābir, malugod si Allah sa kanya: Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay pumasok kay Umm As-Sā’ib o Umm Al-Musayyib at nagsabi: "Ano ang nangyayari sa iyo, o Umm As-Sā’ib - o Umm Al-Musayyib - nangangatal ka?" Nagsabi ito: "Ang lagnat; huwag nawa pagpalain ni Allah ito!" Kaya nagsabi siya: "Huwag mong alipustain ang lagnat sapagkat tunay na ito ay nag-aalis ng mga kasalanan ng mga anak ni Adan gaya ng pag-aalis ng bulusan ng dumi ng bakal."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Nagpapabatid si Jābir, malugod si Allah sa kanya, sa ḥadīth na ito na ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay pumasok kay Umm As-Sā’ib habang ito ay nanginginig. Tinanong niya ito hinggil sa dahilan niyon at nagsabi naman ito: "Ang lagnat". Nangangahulugan ito na ang dahilan niyon ay ang dumapo sa kanya na lagnat. Ang lagnat ay init na dumadapo sa katawan. Ito ay isa sa mga uri ng mga sakit. Ang mga ito ay sari-saring uri. Ang "huwag nawa pagpalain ni Allah ito!" Ito ay panalangin laban sa dumapo sa kanya na sakit na lagnat kaya nagsabi siya: "Huwag mong alipustain ang lagnat". Nangangahulugan ito na ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagbawal sa atin sa pag-alipusta sa lagnat dahil ito ay kabilang sa mga gawa ni Allah, pagkataas-taas Niya. Ang bawat bagay ay kabilang sa mga gawa ni Allah sapagkat tunay na hindi ipinahihintulot sa tao na alipustain ito dahil ang pag-alipusta rito ay isang pag-alipusta sa Tagapaglikha nito, kapita-pitagan Siya at kataas-taasan. Dahil dito nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Huwag ninyong alipustain ang panahon sapagkat tunay na si Allah ay ang panahon." Tungkulin ng tao, kapag dinapuan siya ng sakit, na magtiis at umasa ng kabayaran kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. Ang "sapagkat tunay na ito ay nag-aalis ng mga kasalanan ng mga anak ni Adan gaya ng pag-aalis ng bulusan ng dumi ng bakal." Ang kahulugan ay na ang sakit na lagnat ay isang dahilan sa pagtatakip-sala ng mga masagwang gawa at pag-aangat ng mga antas gaya ng bakal, kapag isinalang sa apoy, ay naaalis ang dumi nito at masamang bahagi nito at nagiging dalisay. Gayon ang ginagawa ng lagnat, tunay na ito ay nag-aalis ng mga pagkakasalang maliliit ng mga anak ni Adan upang manumbalik na malinis at dalisay mula sa mga pagkakasala. Sharḥ Riyāḍ Aṣ-Ṣāliḥīn ni Ibnu `Uthaymin 6/47.