Talaan ng mga ḥadīth

Kapag umibig ang tao sa kapatid niya, magpabatid siya rito na siya ay umiibig dito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nakaaalam ba kayo kung ano ang panlilibak?" Nagsabi sila: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maalam." Nagsabi siya: "[Ito] ang pagbanggit mo ng kapatid mo hinggil sa anumang kasusuklaman niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sino itong nanunumpa sa Akin na hindi Ako magpapatawad kay Polano? Tunay na Ako ay nagpatawad na sa kanya at nagpabagsak sa gawa mo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang tao ay talagang nagsasalita ng pananalitang hindi siya nakatitiyak hinggil doon, na ikatitisod niya sa Impiyerno na higit na malayo kaysa sa pagitan ng silangan at kanluran.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, ano po ang kaligtasan?" Nagsabi siya: "Pigilan mo sa iyo ang dila mo, magkasya sa iyo ang bahay mo, at umiyak ka dahil sa kasalanan mo."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapighatian sa nagsasalita at nagsisinungaling upang matawa ang mga tao! Kapighatian sa kanya, pagkatapos ay kapighatian sa kanya!
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
{Ang sinumang sumumpa saka nagsabi sa panunumpa niya: "Sumpa man kina Allāt at Al`uzzā" ay magsabi siya ng: "Lā ilāha illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allāh)." Ang sinumang nagsabi sa kasamahan niya: "Halika, makikipagsugal ako sa iyo" ay magkawanggawa siya.}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang isang alipin, kapag siya ay sumumpa sa isang bagay,aakyat ang sumpa sa kalangitan,at masasara ang mga pintuan ng kalangitan at hindi ito makakapasok,pagkatapos ay bababa ito sa lupa,at masasara ang mga pintuan nito at hindi ito makakapasok;pagkatapos ay pupunta ito sa deriksiyong kanan at kaliwa,at kapag wala siyang natagpuan na ibang daan,babalik siya sa isinumpa,kung siya ay karapat-dapat rito;at kung hindi ay babalik siya sa nagsabi nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag ninyong tawagin ang nagkukunwaring mananampalataya na Ginoo sapagkat tunay na siya, kung siya ay Ginoo, ginalit nga ninyo ang Panginoon ninyo, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Muslim ay ang sinumang ligtas ang mga Muslim mula sa dila niya at kamay niya. Ang lumilikas ay ang sinumang umiwan ng ipinagbawal ni Allah.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
May apat na ang sinumang ang mga ito ay naging nasa kanya, siya ay naging isang mapagpaimbabaw na lantay; at ang sinumang may naging nasa kanya na isang katangian mula sa mga ito, may naging nasa kanya na isang katangian mula sa isang pagpapaimbabaw hanggang sa mag-iwan siya nito: kapag nagsalita siya, nagsisinungaling siya; kapag nakipagkasunduan siya, nagtatraydor siya; kapag nangako siya, sumisira siya; kapag nakipag-alitan siya, nagsasamasamang-loob siya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang mananampalataya ay hindi ang palapanirang-puri, ni ang palasumpa, ni ang mahalay, ni ang bastos."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag inumaga ang anak ni Adan, tunay na ang mga bahagi ng katawan, ang lahat ng mga ito, ay nagpapakumbaba sa dila, na nagsasabi: Mangilag kang magkasala alang-alang sa amin sapagkat kami ay nasa iyo lamang kaya kung nagpakatuwid ka, magpapakatuwid kami; at kung nabaluktot ka, mababaluktot kami.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Abe Hurayrah,buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi: (( Katotohanan sa isang alipin na nagsasalita ng pananalita mula sa ikalulugod ni Allah Pagkataas-taas Niya,hindi niya ito isinasaalang-alang,(hanggang) sa itinataas siya ni Allah dahil dito sa mga matataas na antas,at katotohanan,sa isang alipin na nagsasalita ng pananalita mula sa pagkapoot ni Allah Pagkataas-taas Niya,hindi niya ito isinasaalang-alang,ibaba siya dahil rito sa Impiyerno)) Isinaysay ni Imam Al-Bukharie,At ayon kay Abdurrahman Bilal bin Al-Harith Al-Muznie-malugod si Allah sa kanya-Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan--ay nagsabi;(( Katotohanan,sa isang lalaki na nagsasalita ng pananalita mula sa ikalulugod ni Allah Pagkataas-taas Niya,Hindi niya ina-akala na siya ay aabot sa anumang kanyang inabot,Isinusulat sa kanya ni Allah rito ang pagkalugod Niya hanggang sa Araw na pagharap Niya sa kanya,at Katotohanan,sa isang lalaki na nagsasalita ng pananalita mula sa pagkapoot ni Allah Pagkataas-taas Niya,Hindi niya ina-akala na siya ay aabot sa anumang kanyang inabot,Isinusulat sa kanya ni Allah rito ang pagkapoot Niya hanggang sa Araw na pagharap Niya sa kanya)) Isinaysay ni Imam Malik sa aklat na Muwatta at Imam Attermidhie,At sinabi niya; Hadith na maganda at tumpak
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag magmithi ang isa sa inyo ng kamatayan. Kung gumagawa siya ng mabuti, harinawa siya ay magdagdag pa; at kung gumagawa siya ng masama, harinawa siya ay magsisi.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Narinig ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang isang lalaki na nagbibigay puri sa isang lalaki at nagmamalabis siya sa pagpuri niya,Nagsabi siya: ((Sinawi ninyo o pinutol ninyo ang likod ng isang lalaki
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapighatian sa iyo! Pinutol mo ang leeg ng kaibigan mo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi nararapat sa isang matapat na siya ay maging palasumpa.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag ninyong isumpa ang bawat isa sa sumpa ni Allah,at sa poot Niya,at sa naglalagablab na apoy Niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay `Imraan bin Husain-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Nagsabi siya:Habang ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nasa ilang lakad nito,at ang isang babae mula sa Ansar na nasa kamelyo,Nagalit siya rito, at Isinumpa niya ito(kamelyo),Narinig ito ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagsabi siya:((Kunin ninyo ang mga gamit rito at pakawalan ninyo ito,sapagkat ito ay isinumpa))Nagsabi si Emran:Para kung nakikita ngayon,na naglalakad ito sa mga tao at walang pumapansin rito kahit na isa.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Abe Barzah Nadhlah bin Ubayd Al-Aslamie-malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya:Habang ang isang babae ay nasa kamelyo dala nito ang ilan sa mga bagahe ng mga tao,at nakita siya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at naging makitid para sa kanila ang bundok,nagsabi siya:(Hal)-Solusyunan,O Allah sumpain mo siya.Kaya nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:((Hindi isinasama sa atin ang kamelyo na may sumpa.))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nagsabi ang isang lalaki na nasawi ang mga tao,siya ay higit na [naging] sawi sa kanila
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang naglalaitan sa sinasabi nila, nasa nagpasimula sa kanilang dalawa [ang kasalanan] hanggang hindi nagmamalabis ang naapi.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag mong alipustain ang lagnat sapagkat tunay na ito ay nag-aalis ng mga kasalanan ng mga anak ni Adan gaya ng pag-aalis ng bulusan ng dumi ng bakal.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag ninyo alipustain ang tandang sapagkat tunay na ito ay nanggigising para sa pagdarasal.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu