عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«مَنْ حَلَفَ فَقَالَ فِي حَلِفِهِ: وَاللَّاتِ وَالعُزَّى، فَلْيَقُلْ: لاَ إِلَهَ إِلَّا اللَّهُ، وَمَنْ قَالَ لِصَاحِبِهِ: تَعَالَ أُقَامِرْكَ، فَلْيَتَصَدَّقْ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 4860]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
{Ang sinumang sumumpa saka nagsabi sa panunumpa niya: "Sumpa man kina Allāt at Al`uzzā" ay magsabi siya ng: "Lā ilāha illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allāh)." Ang sinumang nagsabi sa kasamahan niya: "Halika, makikipagsugal ako sa iyo" ay magkawanggawa siya.}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 4860]
Nagbibigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagsumpa sa iba pa kay Allāh yayamang ang mananampalataya ay hindi sumusumpa kundi kay Allāh. Nagpapabatid siya na ang sinumang sumumpa sa iba pa kay Allāh, gaya ng sinumang sumumpa, halimbawa, kina Allāt at Al`uzzā – na dalawang anito na sinasamba noon sa Panahon ng Kamangmangan bago ng Islām – ay kinakailangan sa kanya na magsabi, habang nagwawasto sa sarili niya, ng: "Lā ilāha illa –llāh (Walang Diyos kundi si Allāh)" bilang pagpapawalang-kaugnayan sa Shirk at bilang panakip-sala sa pagsumpa niyang iyan.
Pagkatapos nagpabatid pa siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsabi sa kasamahan niya: "Halika, maglaro tayo ng pustahan" ay isinakaibig-ibig na magkawanggawa siya ng isang bagay bilang pagtatakip-sala sa pag-aanyaya niya. Ang pustahan ay ang magdaigan ang dalawa o ang higit pa, sa kundisyon na sa kanila ay may pusta na kukunin ng mananaig. Hindi nawawala sa bawat isa sa kanila rito na manalo o matalo.