عن النواس بن سمعان رضي الله عنه قال: ذكر رسول الله صلى الله عليه وسلم الدجال ذات غداة، فخفض فيه ورفع حتى ظنناه في طائفة النخل. فلما رحنا إليه، عرف ذلك فينا، فقال: «ما شأنكم؟» قلنا: يا رسول الله، ذكرت الدجال الغداة، فخفضت فيه ورفعت، حتى ظنناه في طائفة النخل. فقال «غيرُ الدجال أخوفُني عليكم، إن يخرج وأنا فيكم فأنا حَجِيجُهُ دونكم، وإن يخرج ولستُ فيكم فامرؤ حجيج نفسه، والله خليفتي على كل مسلم. إنه شاب قَطَطٌ عينه طافية، كأني أُشَبِّهُهُ بعبد العُزَّى بن قَطَن، فمن أدركه منكم، فليقرأ عليه فواتح سورة الكهف؛ إنه خارج خَلَّةً بين الشام والعراق، فَعَاثَ يمينا وعاث شمالا، يا عباد الله فاثبتوا» قلنا: يا رسول الله، وما لبثه في الأرض؟ قال: «أربعون يوما: يوم كسنة، ويوم كشهر، ويوم كجمعة، وسائر أيامه كأيامكم» قلنا: يا رسول الله، فذلك اليوم الذي كسنة أتكفينا فيه صلاة يوم؟ قال: «لا، اقدروا له قدره». قلنا: يا رسول الله، وما إسراعه في الأرض؟ قال: «كالغيث استدبرته الريح، فيأتي على القوم، فيدعوهم فيؤمنون به ويستجيبون له، فيأمر السماء فتمطر، والأرض فتنبت، فتروح عليهم سارحتهم أطول ما كانت ذرى. وأسبغه ضروعا، وأمده خواصر، ثم يأتي القوم فيدعوهم، فيردون عليه قوله، فينصرف عنهم، فيصبحون مُمْحِلِينَ ليس بأيديهم شيء من أموالهم، ويمر بالخربة، فيقول لها: أخرجي كنوزك، فتتبعه كنوزها كَيَعَاسِيبِ النحل، ثم يدعو رجلا ممتلئا شبابا فيضربه بالسيف، فيقطعه جزلتين رمية الغرض، ثم يدعوه، فيقبل، ويتهلل وجهه يضحك، فبينما هو كذلك إذ بعث الله تعالى المسيح ابن مريم صلى الله عليه وسلم فينزل عند المنارة البيضاء شرقي دمشق بين مَهْرُودَتَيْنِ ، واضعا كفيه على أجنحة ملكين، إذا طأطأ رأسه قطر، وإذا رفعه تحدر منه جمان كاللؤلؤ، فلا يحل لكافر يجد ريح نفسه إلا مات، ونفسه ينتهي إلى حيث ينتهي طرفه، فيطلبه حتى يدركه بباب لد فيقتله، ثم يأتي عيسى صلى الله عليه وسلم قوما قد عصمهم الله منه، فيمسح عن وجوههم ويحدثهم بدرجاتهم في الجنة، فبينما هو كذلك إذ أوحى الله تعالى إلى عيسى صلى الله عليه وسلم : أني قد أخرجت عبادا لي لا يَدَانِ لأحد بقتالهم، فحَرِّزْ عبادي إلى الطُّور. ويبعث الله يأجوج ومأجوج وهم من كل حَدَبٍ يَنْسِلُون، فيمر أوائلهم على بحيرة طَبَرِيَّةَ فيشربون ما فيها، ويمر آخرهم فيقولون: لقد كان بهذه مرة ماء، ويحصر نبي الله عيسى صلى الله عليه وسلم وأصحابه حتى يكون رأس الثور لأحدهم خيرا من مئة دينار لأحدكم اليوم، فيرغب نبي الله عيسى صلى الله عليه وسلم وأصحابه رضي الله عنهم إلى الله تعالى، فيرسل الله تعالى عليهم النَّغَفَ في رِقَابهم، فيُصبحون فَرْسَى كموت نفس واحدة، ثم يهبط نبي الله عيسى صلى الله عليه وسلم وأصحابه رضي الله عنهم إلى الأرض، فلا يجدون في الأرض موضع شِبْرٍ إلا ملأه زَهَمُهُمْ ونَتَنُهُم، فيرغب نبي الله عيسى صلى الله عليه وسلم وأصحابه رضي الله عنهم إلى الله تعالى، فيرسل الله تعالى طيرا كأعناق البُخْتِ ، فتحملهم، فتطرحهم حيث شاء الله، ثم يرسل الله عز وجل مطرا لا يكن منه بيت مَدَرٍ وَلا وَبَرٍ ، فيغسل الأرض حتى يتركها كَالزَّلَقَةِ ، ثم يقال للأرض: أنبتي ثمرتك، وردي بركتك، فيومئذ تأكل العِصَابَةُ من الرمانة، ويستظلون بِقَحْفِهَا ، ويبارك في الرسل حتى أن اللقحة من الإبل لتكفي الفئام من الناس؛ واللقحة من البقر لتكفي القبيلة من الناس، واللَّقْحَة من الغنم لتكفي الفَخِذَ من الناس؛ فبينما هم كذلك إذ بعث الله تعالى ريحا طيبة فتأخذهم تحت آباطهم. فتقبض روح كل مؤمن وكل مسلم؛ ويبقى شرار الناس يَتَهَارَجُونَ فيها تهارج الحمر، فعليهم تقوم الساعة».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Annawwa's bin Sam-an-malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi:Binanggit ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang tungkol kay Dajjal sa isang umaga,inilalarawan niya ito na parang walang pagpapahalaga at sa oras na iyon ay inilarawan niya na may pagpapahalaga hanggang sa inakala namin na ito ay malapit sa mga puno,at nang pumunta kami sa kanya,napag-alaman niya ito sa amin(ang takot),at nagsabi siya:"Anu ang nangyari sa inyo?"Nagsabi kami:O Sugo ni Allah,binanggit mo ang tungkol kay Dajjal ngayong umaga,inilalarawan mo ito na parang walang pagpapahalaga at sa oras na iyon ay inilarawan mo ito na may pagpapahalaga hanggang sa inakala namin na ito ay nagtatago malapit sa mga puno,Nagsabi siya:" Maliban kay Dajjal ang ikinatatakot ko sa para sa inyo,at kapag siya ay lumabas at ako ay kasama ninyo,ipagtatanggol ko kayo laban sa kanya,at kapag lumabas siya at wala na ako sa inyo,ang bawat isa ay magtatanggol sa sarili nito,at si Allah ang nag-iisang tagapagtanggol ng bawat Muslim,Si Dajjal ay isang binatang lalaki na may kulot na buhok,ang isang mata niya ay bulag,at naikukumpara ko ang mukha niya kay Al-`Uzza bin Qatan.Sinuman ang umabot sa kanya mula sa inyo,basahin niya ang panimula ng kabanata ng Al-Kahf,Siya ay lilitaw sa mga daan sa pagitan ng Iraq at Sham,at magpapalaganap siya ng matinding katiwalian sa kanan,at matinding katiwalian sa kaliwa,O mga lingkod ni Allah,magpakatatag kayo,)) Nagsabi kami:O Sugo ni Allah,Hanggang kailan siya magtatagal sa Mundo?Ang sabi niya:((Apatnapung Araw;Araw na ang katumbas ay isang Taon at:Araw na ang katumbas ay isang buwan,at araw na ang katumbas ay isang linggo at ang nalalabing araw ay katulad ng araw ninyo)),Nagsabi kami: O Sugo ni Allah;Ang araw na katumbas ay taon,sapat naba sa amin dito ang dasal sa isang araw?Nagsabi siya:" Hindi,sukatin ninyo ito,ayon sa naayong sukat nito[regular na oras ng dasal]",Nagsabi kami:Gaano siya kabilis(maglakbay) sa Mundo?"Katulad ng ulap na nasa likod ng hangin"at darating siya sa mga tao,at aanyayaan sila na maniwala sa kanya, at maniniwala sila at tutugon sila sa kanya,Uutusan niya ang kalangitan at uulan,at ang lupa na tutubo(ng mga halaman) at darating sa kanila ang mga alaga nilang (kamelyo) na may mas pinataas na umbok,at pinuno sa gatas na mga soso(kamelyo),at mas malaki nitong mga balakang,Pagkatapos ay darating siya sa ibang mga tao,at aanyayahan niya sila;at pasisinungalingan nila ang mga sinasabi nito,at lilisanin niya sila,hanggang sa darating sa kanila ang tagtuyot at walang matitira sa mga pag-aari nila mula sa mga ari-arian nila,Pagkatpos ay dadaan siya sa nasalantaan at sasabihin niya dito: Ilabas ang inyong mga kayamanan,at lalabas ang mga kayamanan at susunod ito sa kanya na parang mga lalaki ng pukyutan,pagkatapos ay tatawagin niya ang isang lalaki na magdadala ng maraming kabataan,at hahampasin niya ito ng tabak at puputulin ito sa dalawang piraso,at ilalagay niya ito na magkapantay ang layo sa pagitan ng mamamana at papanahin,pagkatapos ay tatawagin niya ito,at pupunta sa kanya,na may sinag ang kanyang mukha na tumatawa,at sa mga oras na iyon,ipapadala na ni Allah si Eisah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-bababa siya sa isang Parolang puti sa may Silangang bahagi ng Damascus,na may suot na dalawang tela,nakalagay ang kanyang kamay sa mga pakpak ng dalawang anghel,kapag iniyuko niya ang kanyang ulo,pumapatak ang pawis nito,at kapag itinaas niya ito,pumapatak mula dito ang mga piraso na parang perlas,at walang hindi mananampalataya na naaamoy niya ang bango ni [Eisah] maliban sa siya ay mamamatay,at ang kanyang bango ay laganap hanggat siya ay natatanaw,at hahanapin niya siya(Dajjal) hanggang sa mahabol niya ito sa isang pintuan na tinatawag na LUDD at papatayin niya ito,Pagkatapos ay darating kay Eisah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang mga tao na naprotektahan ni Allah mula dito,pupunasan niya ang kanilang mga mukha at sasabihin sa kanila ang mga antas nila sa Paraiso,at sa mga oras na iyon;ay ipapahayag ni Allah kay Eisah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Tunay na iniligtas ko ang mga lingkod ko,walang dalawang kamay sa kahit na sinuman ang makikipag-laban sa kanila,iligtas mo ang aking mga alipin sa bundok ng Attur,At ipapadala ni Allah sina Ya`juj at Ma`juj at sa bawat mataas na lugar ay maglalabasan sila,at dadaan ang mauuna sa kanila sa isang dagat-dagatan na tinatawag na Tabariyyah,at iinumin nila ang lahat dito,at dadaan ang pinaka-huli sa kanila na sasabihin nila:Nagkaroon ng tubig dito noon,at nahihirapan ang Propeta ni Allah na si Eisah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang mga kasamahan niya-malugod si Allah sa kanila-hanggang sa naging;ang isang ulo ng Toro para sa isa sa kanila ay mas-mainam mula sa isang-daang Dinar para sa isa sa inyo ngayon,Kung kaya`t mananalangin ang Propeta ni Allah na si Eisah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang mga kasamahan niya-malugod si Allah sa kanila-kay Allah-pagkataas-taas Niya-At ipapadala ni Allah-Pagkataas-taas Niya sa kanila ng mga Uod sa mga leeg nila,hanggang sa silay sabay-sabay na mamamatay tulad ng pagkamatay ng isang tao,pagkatapos ay bababa ang Propeta ni Allah na si Eisah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang mga kasamahan niya-malugod si Allah sa kanila-sa mga mababang lupa,at walang silang matatagpuan kahit na maliit na lugar,maliban sa itoy mapupuno ng mga bangkay nila at mabahong amoy nila,kung kaya`t mananalangin ang Propeta ni Allah na si Eisah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ang mga kasamahan niya-malugod si Allah sa kanila-kay Allah-Pagkataas-taas Niya-At ipapadala ni Allah-Pagkataas-taas Niya sa kanila ang mga Ibon na ang kanilang mga leeg ay katulad ng likod ng kamelyo,dadalhin nila ang mga ito at itatapon nila sa kung saan naisin ni Allah,Pagkatapos ay ipapadala ni Allah pagkataas-taas Niya-sa kanila ang Ulan,at mawawala dito ang mga bahay na gawa sa lupa at gawa sa mga balahibo O lana,at mahuhugasan ang lahat ng kalupaan hanggang sa iiwanan itong katulad ng Salamin,Pagkatapos ay sasabihin sa Lupa: "ilabas ang mga Bunga mo,at ibalik ang mga Pagpapala nito,at sa oras na iyon,kakain mula rito ang mga grupo ng mga tao at makakagawa sila ng mga kanlungan nila mula sa balat nito(puno),at Ipagpapala ang gatas hanggang sa ang gatas ng isang kamelyo ay magiging sapat para sa maraming tao, at ang gatas mula sa Baka ay magiging sapat para sa buong tribo ng mga tao,at ang gatas mula sa Tupa ay magiging sapat para sa pamilya ng mga tao,at sa mga Oras na iyon,ipapadala ni Allah-Pagkataas-taas Niya,ang kaaya-ayang Hangin na pupunta sa mga kili-kili nila,Hanggang sa kukunin ang kaluluwa ng lahat mananampalataya at lahat ng Muslim,at tanging ang mga masamang Tao lamang ang maiiwan,Sila iyong gumawa ng pangangalunya sa mga pampubliko tulad ng pangangalunya ng mga hayop(Asno),At sa kanila ay magaganap Ang Paggunaw sa Mundo.))
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Kabilang sa mga palatandaan na malaki sa Pagsapit ng Takdang Oras; Ay ang Paglabas ni Dajjal,at siya ay ang nabanggit sa Hadith,at siya ay kabilang sa mga Bagay na Nakalingid(Al-Ghayb) na nararapat ang pananampalataya at paniniwala dito tulad ng naipahayag ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Binanggit niya ang lahat ng katangian nito upang hindi maitago sa mga Muslim ang gawain nito.At binigyan Siya ni Allah ng mga kakayahan na nakakamangha at hindi pangkaraniwang bilang pagsubok at pagsusulit sa mga tao,At dadaan siya sa buong kalupaan maliban sa Meccah at Madinah.At magiging ang katapusan ng gawain nito ay sa kamay ng Propeta ni Allah,Eisah-Sumakanya ang pagpapala at pangangalaga-Pagkatapos ay lilitaw ang Ya`juz at Ma`juz,at ilalaganap nila sa kalupaan ang pamiminsala,at sila ay kabilang din sa mga Palatandaan sa pagdating ng Takdang Oras,at mananalangin ang Propeta ni Allah,Eisah at ang mga mananampalataya kay Allah-Pagkataas-taas Niya-hanggang sa mailigtas sila ni Allah sa kanila,at darating na ang Takdang-Oras pagkatapos ng mga pangyayaring ito at nang malaking katotohanan na ito,ay kukunin na ni Allah-Pagkatas-taas Niya-ang mga kaluluwa ng mga naglilingkod sa kanya na mananampalataya,at magaganap ang na ang Takdang Oras para sa mga masasamang nilikha,