+ -

عن أنس بن مالك رضي الله عنه قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «اسمعوا وأطيعوا، وإن استعمل عليكم عبد حبشي، كأن رأسه زبيبة».
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...

Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya: "Makinig kayo at tumalima kayo kahit pa man pinamuno sa inyo ang isang aliping Etiope na para bang ulo niya ay pasas."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

Ang pagpapaliwanag

Panatilihin ninyo ang pakikinig at ang pagtalima sa mga nangangasiwa sa mga kapakanan, kahit pa man pamunuin sa inyo ang isang aliping Etiope sa kaangkanan, sa kalagayan, at sa anyo, na para bang ang ulo niya ay pasas dahil ang buhok ng mga Etiope ay hindi gaya ng buhok ng mga Arabe. Ang mga Etiope, sa mga ulo nila, ay may mga buhok na buhol na para bang ang mga ito ay mga pasas. Ito ay isang uri ng pagpapalabis sa taguri sa pagiging aliping Etiope sa kaangkanan at sa kalagayan ng pinunong ito. Ang sabi niya: "kahit pa man pinamuno sa inyo" ay sumasaklaw sa pinunong tauhan ng hari at gayon din ang hari mismo. Kung ipagpapalagay na may isang haring nanaig sa mga tao, nakuha ang kapangyarihan, at nangibabaw at hindi siya kabilang sa mga Arabe, bagkus siya isang aliping Etiope, tunay na tungkulin nating makinig at tumalima. Ang hadith na ito ay nagpapatunay sa pagkatungkulin ng pagtalima sa mga nangangasiwa sa mga kapakanan, maliban sa pagsuway kay Allah, dahil sa ang pagtalima sa kanila ay nagdudulot ng kabutihan, katiwasayan, estabilidad, kawalan ng kaguluhan, at kawalan ng pagsunod sa mga kapritso. Kapag naman sinuway ang ang mga nangangasiwa sa mga kapakanan sa bagay na kinakailangan ang pagtalima sa kanila roon, magkakaroon ng kaguluhan, magkakaroon ng paghanga ang bawat may opinyon sa opinyon niya, mawawala ang katiwasayan, magugulo ang mga bagay-bagay, at darami ang mga gulo. Dahil dito, kinakailangan sa atin na makinig at tumalima sa mga nangangasiwa sa mga kapakanan natin maliban kapag nag-utos sila sa atin ng pagsuway. Kapag nag-utos sila sa atin ng pagsuway kay Allah, ang Panginoon natin at ang Panginoon nila ay si Allah, Kanya ang pamamahala. Hindi natin sila tatalimain doon, bagkus sasabihin natin sa kanila: "Kayo ay kinakailangang umiwas sa pagsuway kay Allah kaya bakit kayo nag-uutos sa amin niyon? Hindi kami makikinig sa inyo at hindi kami tatalima." Pagkatapos, tunay na mapapansin na ang ipinag-uutos ng mga nangangasiwa sa mga kapakanan ay nahahati sa tatlong uri: Ang Unang Uri: Na si Allah ay nag-utos niyon, gaya ng pag-uutos nila sa atin ng pagdaos ng kongregasyon sa mga masjid o pag-uutos nila sa atin ng paggawa ng mabuti at pagwaksi sa nakakasama, at anumang nakawawangis niyon. Ito ay isinasatungkulin ayon sa dalawang aspeto: Una, ito ay isinasatungkulin bilang simulain; Ikalawa, ito ay ipinag-utos ng mga nangangasiwa sa mga kapakanan. Ang Ikalawang Uri: Na nag-uutos sila sa atin ng pagsuway kay Allah. Ito ay hindi ipinahihintulot sa atin: hindi ipinahihintulot ang pagtalima sa kanila roon anuman ang mangyari, gaya halimbawa ng pag-uutos nila na huwag kayong magdasal sa kongregasyon, pasayarin ninyo ang mga damit ninyo, apihin ninyo ang mga Muslim sa pamamagitan ng pagkamkam sa yaman nila o ng pananakit o ng anumang nakakawangis niyon. Ito ay utos na hindi tinatalima at hindi ipinahihintulot sa atin ang tumalima sa kanila roon. Subalit kailangan nating pagpayuhan sila at sabihin: "Mangilag kayong magkasala kay Allah. Ito ay utos na hindi ipinahihintulot. Hindi ipinahihintulot sa inyo na mag-utos sa mga lingkod ni Allah ng pagsuway kay Allah." Ang Ikatlong Uri: Na nag-uutos sila ng utos ng isang utos na hindi utos mula kay Allah at sa Sugo Niya mismo at hindi isang pagbababawal Niya mismo. Kinakailangan sa atin na tumalima sa kanila kaugnay roon gaya ng mga regulasyong isinasapatakaran nila yamang ang mga ito naman ay hindi sumasalungat sa Batas ni Allah. Ang isinasatungkulin sa atin ay ang tumalima sa kanila kaugnay sa utos at pagbabawal at ang pagsunod sa mga regulasyong ito. Ang pag-uuring ito, kapag isinagawa ng tao ito, tunay na sila ay makatatagpo ng katiwasayan, estabilidad, kapahingahan, at kapanatagan. Iibigin nila ang mga nangangasiwa sa mga kapakanan nila at iibigan sila ng mga nangangasiwa sa mga kapakanan nila.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa Portuges
Paglalahad ng mga salin