+ -

عن أبي هنيدة وائل بن حجر رضي الله عنه : سأل سلمة بن يزيد الجعفي رسول الله صلى الله عليه وسلم فقال: يا نبي الله، أرأيت إن قامت علينا أمراء يسألونا حقهم، ويمنعونا حقنا، فما تأمرنا؟ فأعرض عنه، ثم سأله، فقال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «اسمعوا وأطيعوا، فإنما عليهم ما حُمِّلُوا، وعليكم ما حُمِّلْتُم».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hunaydah Wā'il bin Ḥujr, malugod si Allāh sa kanya: "Tinanong ni Salamah bin Yazīd Al-Ju`fīy ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi: O Sugo ni Allāh, ano po sa tingin mo kung may lumitaw sa amin na mga pinunong humihingi ng karapatan nila at nagkakait sa amin ng karapatan namin? Kaya ano po ang ipag-uutos mo sa amin? Umiwas siya. Pagtakatapos ay tinanong siya kaya nagsabi siya: Makinig kayo at tumalima kayo sapagkat ukol sa kanila lamang ang iniatang sa kanila at ukol sa inyo lamang ang iniatang sa inyo."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Tinanong ni Salamah bin Yazīd Al-Ju`fīy ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, tungkol sa mga pinunong humihiling ng karapatan nilang dinggin at talimain sila ngunit sila naman ay nagkakait ng karapatan sa kanila: hindi nila ibinibigay sa mga tao ang karapatan ng mga ito, inaapi nila ang mga ito, at sinusolo nila ang karapatan laban sa mga ito. Umiwas ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Para bang kinasusuklaman niya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang mga usaping ito at kinasusuklaman niyang buksan ang paksang ito, ngunit inulit ng nagtatanong iyon at tinanong [muli] siya. Ipinag-utos ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na ibigay natin sa kanila ang karapatan nila, at na ukol sa kanila ang iniatang sa kanila at ukol sa atin ang iniatang sa atin. Tayo ay iniatang sa atin ang makinig at ang tumalima at sila ay inatangang mamuno sa atin ayon sa katarungang, na hindi sila mang-aapi ng isa man, na ipatutupad nila ang mga patakaran ni Allāh sa mga lingkod ni Allāh, na ipatutupad nila ang Batas ni Allāh sa Lupa ni Allāh, at na makikibaka sila laban sa mga kaaway ni Allāh.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Tamil Thailand Pushto Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية الرومانية Luqadda Oromaha
Paglalahad ng mga salin