عَنْ أَبِي سَعِيدٍ رضي الله عنه أَنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«مَا مِنْ مُسْلِمٍ يَدْعُو بِدَعْوَةٍ لَيْسَ فِيهَا إِثْمٌ، وَلَا قَطِيعَةُ رَحِمٍ، إِلَّا أَعْطَاهُ اللهُ بِهَا إِحْدَى ثَلَاثٍ: إِمَّا أَنْ تُعَجَّلَ لَهُ دَعْوَتُهُ، وَإِمَّا أَنْ يَدَّخِرَهَا لَهُ فِي الْآخِرَةِ، وَإِمَّا أَنْ يَصْرِفَ عَنْهُ مِنَ السُّوءِ مِثْلَهَا» قَالُوا: إِذنْ نُكْثِرُ، قَالَ: «اللهُ أَكْثَرُ».
[صحيح] - [رواه أحمد] - [مسند أحمد: 11133]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Walang anumang Muslim na dumadalangin ng isang panalanging wala ritong kasalanan at wala ritong pagputol ng ugnayang pangkaanak malibang magbibigay sa kanya si Allāh dahil dito ng isa sa tatlo: Maaari na madaliin para sa kanya ang panalangin niya, maaari na mag-imbak nito para sa kanya sa Kabilang-buhay, at maaari na magbaling palayo sa kanya ng kasagwaan tulad nito." Nagsabi sila: "Samakatuwid, magpaparami tayo [ng panalangin]." Nagsabi siya: "Si Allāh ay higit na marami [sa pagtugon]."}
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Aḥmad] - [مسند أحمد - 11133]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Muslim, kapag dumalangin kay Allāh at humiling ng isang kahilingang hindi isang kasalanan na para bang dumadalangin sa Kanya ng isang pagpapadali ng pagsuway at kawalang-katarungan, at hindi dumalangin ng isang pagputol ng ugnayang pangkaanak na para bang dumadalangin siya laban sa mga anak niya at kaanak niya, magbibigay sa kanya si Allāh dahil dito ng isa sa tatlong bagay: Maaari na madaliin para sa kanya ang panalangin niya at ibigay sa kanya ang hiniling niya; Maaari na mag-imbak nito si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ng isang pabuya para sa kanya sa Araw ng Pagbangon sa pamamagitan ng isang kataasan sa mga antas o isang awa at isang kapatawaran sa mga masagwang gawa; Maaari na magtulak palayo sa kanya sa Mundo ng kasagwaang tulad nito ayon sa sukat ng panalangin. Kaya nagsabi ang mga Kasamahan sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Samakatuwid, magpaparami tayo ng panalangin upang magtamo tayo ng isa sa mga kainamang ito." Kaya nagsabi naman siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang nasa ganang kay Allāh ay higit na marami at higit na dakila [sa pagtugon] kaysa sa hiniling ninyo sapagkat ang bigay Niya ay hindi nauubos at hindi nagwawakas.