عن عبد الله بن عباس رضي الله عنهما أن رسول الله صلى الله عليه وسلم كان يقول عند الكرب: «لا إله إلا الله العظيم الحليم، لا إله إلا الله رب العرش العظيم، لا إله إلا الله ربُّ السماوات، وربُّ الأرض، ورب العرش الكريم» .
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsasabi noon sa sandali ng pighati: "Lā ilāha illā -llāhu -l`ađīmu -lḥalīm, lā ilāha illā -llāhu rabbu -l`arshi -l`ađīm, lā ilāha illā -llāhu rabbu -ssamawāti wa rabbu -l’arḍi wa rabbu -l`arshi -lkarīm (Walang Diyos kundi si Allāh, ang Sukdulan, ang Matimpiin. Walang Diyos kundi si Allāh, ang Panginoon ng tronong sukdulan sa laki. Walang Diyos kundi si Allāh, ang Panginoon ng mga langit at lupa at ang Panginoon ng tronong marangal)."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Nagpapatunay ang ḥadīth na nabanggit na ang pighati at panglaw ay walang nakapag-aalis kundi si Allāh. Ang mga pananalitang nabanggit na ito kapag sinabi ng isang taong mananampalataya sa sandali ng pangamba niya at pighati niya ay patitiwasayin siya ni Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. Ang pag-alaala kay Allāh, pagkataas-taas Niya, at pananalangin sa Kanya ay nagpapadali sa hirap, nagpapaluwag sa kagipitan, at nagpapagaan sa kabigatan. Kaya kapag inalaala si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, sa sandali ng hirap, dadali ito; sa sandali ng kagipitan, luluwag ito; sa sandali ng kabigatan, gagaan ito; sa sandali ng hilahil, maglalaho ito; at sa sandali ng pighati, lilisan ito. Ang kasanhian ng pagtatangi sa matimpiin sa pagbanggit ay na ang pighati ng Mananampalataya kadalasan lamang ay isang uri ng pagkukulang sa mga pagtalima o pagwawalang-bahala sa mga kalagayan. Ang taong ito ay makadarama ng pag-asang nagpapakaunti ng lungkot. Sharḥ Riyāḍ Aṣ-Ṣāliḥīn ni Muḥammad bin Ṣāliḥ bin Muḥammad Al-`Uthaymīn, Tomo 6/56, Mirqāh Al-Mafātīh Sharḥ Mishkāh Al-Maṣābīh ni Al-Qārī Tomo 4/1677, at Taṭrīz Riyāḍ Aṣ-Ṣāliḥīn 2/288.