Talaan ng mga ḥadīth

{Nangako kami ng katapatan sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pakikinig at pagtalima sa hirap at ginhawa at sa kasiglahan at katamlayan, sa [pagtanggap ng] pagtangi laban sa amin,
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Magkakaroon ng mga pinuno saka magmamabuti kayo at magmamasama kayo. Kaya ang sinumang nagmabuti sa [kabutihan nila], mapawawalang-sala siya; at ang sinumang nagmasama [sa kasamaan nila], maliligtas siya; subalit ang sinumang nalugod at nakipagsunuran [ay masasawi]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Relihiyon ay ang pagpapayo
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Allāh, ang sinumang namahala sa kapakanan ng Kalipunan ko ng anuman saka nagpahirap siya sa kanila, magpahirap Ka sa kanya; at ang sinumang namahala sa kapakanan ng Kalipunan ko ng anuman saka naglumanay siya sa kanila, maglumanay Ka sa kanya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Walang anumang tao na pinamamahala ni Allāh sa nasasakupan, na mamamatay sa araw na mamamatay siya habang siya ay nandaraya sa pinamamahalaan niya malibang magbabawal si Allāh sa kanya ng Paraiso."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang naghimagsik laban sa pagtalima at nakipaghiwalay sa komunidad saka namatay, namatay siya sa pagkamatay na pangmangmang
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang pumunta sa inyo – samantalang ang pasya ninyo ay nagkakaisa sa nag-iisang lalaki – na nagnanais na humati sa bukluran ninyo o magpawatak-watak sa pagkakaisa ninyo, patayin ninyo siya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Manatili kayo ng pangingilag magkasala kay Allāh at pagdinig at pagtalima [sa pinuno], kahit pa siya ay isang aliping Etyope. Makakikita kayo matapos ko ng isang matinding pagkakaiba-iba. Kaya manatili kayo sa Sunnah ko at Sunnah ng mga Matinong Napatnubayang Khalīfah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagsabi si Heraql:Ano ang ipinagtatagubilin Niya sa inyo? Ibig sabihin ay ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi si Abū Sufyān: Sinabi kong: Sinabi Niyang:(( Sambahin ninyo si Allah na Nag-iisa at huwag kayong magtambal sa Kanya kahit sa kaunting bagay lamang,Iwanan ninyo ang anumang sinabi sa inyo ng mga ninuno ninyo,at itinatagubilin niya sa amin ang pagdarasal,pagiging tapat,dalisay,at pakikipag-ugnayan sa mga kamag-anak))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang mangyayari sa mga susunod sa akin,ang pagkamakasarili,at mga bagay na tatanggihan ninyo!
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Allah, ang sinumang namahala sa kapakanan ng Kalipunan ko ng anuman at nagmalupit siya sa kanila, magmalupit Ka sa kanya; ang sinumang namahala sa kapakanan ng Kalipunan ko ng anuman at naglumanay siya sa kanila, maglumanay Ka sa kanya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Magtiis kayo sapagkat tunay na walang dumarating na isang panahon malibang ang matapos nito ay higit na masama kaysa rito hanggang sa makatagpo ninyo ang Panginoon ninyo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Makinig kayo at tumalima kayo sapagkat ukol sa kanila lamang ang iniatang sa kanila at ukol sa inyo lamang ang iniatang sa inyo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang mangako ng katapatan sa isang pinuno at nagbigay rito ng pangako ng kamay niya at katapatan ng puso niya ay sundin niya ito kung makakaya niya. Kung may dumating na iba na makikipagtunggali sa kanya, tagain ninyo ang leeg ng iba
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang ginamit namin sa inyo sa gawain, at itinago namin ang karayom maging mataas pa sa kanya ito ay maging mapahamak na dadalhin niya sa kabilang buhay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
((Lahat kayo ay Taga-pangalaga;at lahat kayo ay may pananagutan sa pinangangalagaan nito;Ang Pinuno ay Taga-pangalaga,at ang Lalaki ay Taga-pangalaga sa mga nananahanan sa bahay niya,at ang Babae ay Taga-pangalaga sa loob ng Bahay ng Asawa niya at sa mga Anak niya,Lahat kayo ay Taga-pangalaga;at lahat kayo ay may pananagutan sa pinangangalagaan nito)) Napag-kaisahan ang Katumpakan,At ayon kay Ibnu `Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-ay nagsabi;Narinig ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasabi:((Lahat kayo ay Taga-pangalaga;at lahat kayo ay may pananagutan sa pinangangalagaan nito,Ang Pinuno ay Taga-pangalaga at may pananagutan sa pinangangalagaan nito,At ang Lalaki ay Taga-pangalaga sa Pamilya nito at may pananagutan sa pinangangalagaan nito,at ang Babae ay Taga-pangalaga sa loob ng Bahay ng Asawa niya,at may pananagutan sa pinangangalagaan nito,at ang Alipin ay Taga-pangalaga sa kayamanan ng pinuno niya,at may pananagutan sa pinangangalagaan nito,Lahat kayo ay Taga-pangalaga;at may pananagutan sa pinangangalagaan nito))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tungkulin mo ang makinig at ang tumalima sa hirap mo at ginahawa mo, ayon sa kalooban mo at laban sa kalooban mo, at [kahit] may itinatangi higit sa iyo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag nangako kami noon ng katapatan sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa pagdinig at pagtalima ay nagsasabi siya sa amin: Sa abot ng makayaya ninyo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tungkulin ng taong Muslim ang pagdinig at ang pagtalima [sa pinuno] sa anumang naibigan niya at kinasuklaman niya malibang nag-utos sa kanya ng isang pagsuway sapagkat kapag nag-utos sa kanya ng isang pagsuway ay walang pagdinig at walang pagtalima.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sinuman ang manlait sa Namumuno ay lalaitin din ni Allah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Makinig kayo at tumalima kayo kahit pa man pinamuno sa inyo ang isang aliping Etiope na para bang ulo niya ay pasas.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang tumalima sa akin ay tumalima nga kay Allah, at ang sinumang sumuway sa akin ay sumuway nga kay Allah. Ang sinumang tatalima sa pinuno ay tumalima nga sa akin, at ang sinumang susuway sa pinuno ay sumuway nga sa akin.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang mga pinakamabuti sa mga pinuno ninyo ay ang iniibig ninyo sila at iniibig nila kayo, at dumadalangin kayo para sa kanila at dumadalangin sila para sa inyo. Ang pinakamasama sa mga pinuno ninyo ay ang kinamumuhian ninyo sila at kinamumuhian nila kayo, at isinusumpa ninyo sila at isinusumpa nila kayo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O `Abdurrahman bin Samrah,Huwag mong hilingin ang [Kapangyarihan] Panunungkulan,Sapagkat kapag ibinigay ko ito sa iyo na hinihiling mo,ipagkakatiwala mo ito [hindi mo ito gagampanan],
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag inibig ni Allah sa isang pinuno ang Kabutihan,itatalaga niya sa kanya ang isang ministro na tapat,Kapag siya ay nakalimot,paalalahanan siya at kapag nakaalala siya ay tutulungan siya.At kapag inibig Niya ang bukod dito,itatalaga Niya sa kanya ang isang Ministro na masama,Kapag siya ay nakalimot,hindi siya paalalahanan,at kapag nakaalala siya,hindi niya ito tutulungan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi nagpadala si Allah ng Propeta at hindi nagtalaga ng Pinuno mula sa pinuno maliban na sa kanya ay may dalawang Tagapangasiwa,Tagapangasiwa na nag-uutos sa kanya ng kabutihan at naghihikayat dito,at Tagapangasiwa na nag-uutos sa kanya ng kasamaan at nag-hihikayat ito sa kanya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Abū Dharr,nakikita ko sa iyo ang kahinaan,at tunay na iniibig ko para sa iyo,ang mga bagay na iniibig ko para sa aking sarili,;Huwag na huwag kang mamumuno sa dalawa,at huwag na huwag kang mamahala sa mga yaman ng mga batang ulila
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Abā Dharr,Ikaw ay mahina,at ito ay Amānah [Pagtanggap ng mga tungkulin at pagsunod kay Allah],At sa Araw ng Pagkabuhay, ito ay kadustaan at pagsisisihan,maliban sa sinumang tumanggap nito na siya ay karapat-dapat dito,at isinakatuparan niya ang anumang nararapat sa kanya rito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Naalala ko ang tipak ng ginto sa amin,kinamumuhian ko na maging abala ako [ sa pag-iisip nito],kaya ipinag-utos kong ipamahagi ito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sumpa sa Allah,Tunay na kami ay hindi nagtatalaga ng pinuno sa gawaing ito,Sa sinumang humiling nito o sinumang nagsumikap rito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O Anak ko,Tunay na narinig ko ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasabi: ((Katotohanan ang pinakamasamang Pastol ay yaong marahas)) Kaya`t iwasan mong mapabilang ka sa kanila
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Huwag kayong mangulit sa paghingi sapagkat sumpa man kay Allah kapag hinihingan ako ng isa kabilang sa inyo at naibigay sa kanya ang hinihingi niya mula sa akin na anuman samantalang ako ay naiinis hindi siya pagpapalain sa ibinigay ko sa kanya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ako noon ay naglalakad kasama ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, habang. nakasuot siya ng isang balabal na Najrāno na makapal ang gilid. Naabutan siya ng isang arabeng disyerto. Hinatak nito siya sa balabal niya nang matinding hatak
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagpapahuli sa paglalakbay at nag-aakay ng mahina, nag-aangkas, at dumadalangin para rito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Muhammad bin Zaid :Na ang mga tao ay nagsabi sa lolo nila na si Abdullah bin Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-:Kami ay pumapasok sa mga Sultan namin ,sinasabi namin sa kanila ang salungat sa mga pinag-uusapan namin kapag lumabas kami sa kanila.Nagsabi siya:Ibinibilang namin ito sa epokrito sa panahon ng sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
O pinuno ng mananampalataya,Tunay na si Allah ay nagsabi sa kanyang mahal na Propeta: { Magpakita kayo [ O Muhammad] ng pagpapatawad,at magtagubilin kung ano ang mabuti,at lumayo kayo sa mga mang-mang}[Al-A`raf:198] at ito ay mula sa mga mang-mang,Sumpa sa Allah,hindi siya pinalampas ni `Umar ng basahin niya ito,at siya ay naninindigan sa [anumang nakasulat] sa Aklat ni Allah-Pagkataas-taas Niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na may mga tao noon na nabubuko dahil sa pagsisiwalat [ni Allāh] sa panahon ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Tunay na ang pagsisiwalat [ni Allāh] ay naputol na. Ibinubuko lamang namin kayo sa ngayon dahil sa nalantad sa amin na mga gawain ninyo. Kaya ang sinumang naglantad sa amin ng kabutihan, patitiwasayin namin siya at ilalapit namin siya. Wala kaming pakialam sa kinikimkim niya. Si Allāh ay magtutuos sa kanya sa kinikimkim niya. Ang sinumang naglantad sa amin ng kasagwaan, hindi namin siya patitiwasayin at hindi namin siya paniniwalaan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
si `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allah sa kanya, ay nagtakda noon para [sa bawat isa] sa mga naunang nagsilikas ng apat na libong [dirham]
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang pinakamainam sa mga Kasamahan ay apat, ang pinakamabuti sa mga batalyon ay apat na raan, ang pinakamainam na hukbo ay apat na libo, at hindi magagapi ang labindalawang libo dahil sa kakauntian [nila].
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu