عن ابن عمر رضي الله عنهما مرفوعاً: «على المرء المسلم السمع والطاعة فيما أحب وكَرِهَ، إلا أن يُؤمر بمعصية، فإذا أُمِرَ بمعصية فلا سمع ولا طاعة».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Ibnu `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Tungkulin ng taong Muslim ang pagdinig at ang pagtalima [sa pinuno] sa anumang naibigan niya at kinasuklaman niya malibang nag-utos sa kanya ng isang pagsuway sapagkat kapag nag-utos sa kanya ng isang pagsuway ay walang pagdinig at walang pagtalima."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ang ḥadīth na ito ay paglilinaw sa pagkatungkulin ng pagdinig at pagtalima sa pinuno sa anumang ipinag-uutos niya, maging ang utos niya man ay kabilang sa naiibigan natin o kinasusuklaman natin, malibang mag-utos sa atin ng isang pagsuway sapagkat walang pagdinig at walang pagtalima sa pagsuway na ito lamang.