عن عبد الله بن عمرو -رضي الله عنهما- قال: كنا مع رسول الله - صلى الله عليه وسلم- في سفر، فَنَزَلنَا مَنْزِلًا، فَمِنَّا مَنْ يُصلِح خِبَاءَه، ومِنَّا من يَنتَضِل، ومِنَّا مَن هو في جَشَرِهِ، إِذْ نادى مُنادي رسول الله -صلى الله عليه وسلم-: الصَّلاةُ جَامِعَةٌ. فاجْتَمَعنَا إلى رسول الله - صلى الله عليه وسلم - فقال: «إِنَّه لَمْ يَكُن نبي قبْلِي إِلاَّ كَان حَقًّا عليه أَنْ يَدُلَّ أُمَّتَه عَلَى خَيرِ مَا يَعْلَمُهُ لَهُم، ويُنذِرَهُم شّرَّ ما يعلمه لهم، وإِنَّ أُمَّتُكُم هذه جَعَل عَافِيَتَهَا في أوَّلِها، وَسَيُصِيبُ آخِرَهَا بَلاَءٌ وأُمُورٌ تُنكِرُونَهَا، وتَجِيءُ فِتنَةٌ يُرَقِّقُ بَعْضُهَا بَعضًا، وتَجِيءُ الفتنة فيقول المؤمن: هذه مُهلِكَتِي، ثُمَّ تَنْكَشِف، وتجيء الفتنة فيقول المؤمن: هَذِه هذِه. فمَنْ أَحَبَّ أنْ يُزَحْزَحَ عن النار، ويدخل الجنة، فَلْتَأْتِه مَنِيَتُهُ وهو يؤمن بالله واليوم الآخر، وَلْيَأتِ إِلى النَّاسِ الَّذِي يُحِبُّ أَنْ يُؤْتَى إليه، ومَنْ بَايَع إِمَامًا فَأَعْطَاه صَفْقَةَ يَدِهِ، وَثَمْرَةَ قلْبِهِ، فَلْيُطِعُه إِن اسْتَطَاع، فَإِن جَاء آخَرُ يُنَازِعُه فَاضْرِبُوا عُنُقَ الآخَرِ».
[صحيح.] - [رواه مسلم.]
المزيــد ...

Ayon kay `Abdullāh bin `Amr, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Kami noon ay kasama ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa isang paglalakbay. Tumigil kami sa isang pook. Kaya mayroon sa aming nag-aayos ng kubol nila, mayroon sa aming nagtatagisan sa pamamana, at mayroon sa aming nasa pagpapastol niya nang nanawagan ang tagapanawagan ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Ang pagdarasal ay idadaos. Kaya nagtipon kami sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at nagsabi siya: Tunay na hindi nagkaroon ng isang propeta bago ako malibang naging tungkulin sa kanya na gabayan ang kalipunan niya sa kabutihang nalalaman niya para sa kanila at bigyang-babala sila sa kasamaang nalalaman niya para sa kanila. Tunay na ang kalipunan ninyong ito, inilagay ang kaayusan nito sa simula nito at dadapuan ang huli nito ng pagsubok at mga bagay-bagay na hindi ninyo nalalaman. May darating na tukso [na sunud-sunod na] pahihinain ng kasunod ang nauna. Darating ang tukso at sasabihin ng Mananampalataya: Ito ay pupuksa sa akin. Pagkatapos ay mapapawi ito at darating na naman ang tukso at magsasabi ang Mananampalataya: Ito na, ito na. Kaya ang sinumang ibig na maalis sa Impiyerno at pumasok sa Paraiso ay puntahan siya ng kamatayan niya habang siya sumasampalataya kay Allah at sa Huling Araw at gawin niya sa mga tao ang iniibig niyang gawin sa kanya. Ang sinumang mangako ng katapatan sa isang pinuno at nagbigay rito ng pangako ng kamay niya at katapatan ng puso niya ay sundin niya ito kung makakaya niya. Kung may dumating na iba na makikipagtunggali sa kanya, tagain ninyo ang leeg ng iba."
-

Ang pagpapaliwanag

Nasaad sa ḥadīth na ito na kinakailangan sa mga tagapag-anyaya sa Islam ang kinakailangan sa mga propeta tulad ng paglilinaw sa kabutihan, pag-uudyok dito, paggabay sa mga tao tungo rito, at paglilinaw sa kasamaan at pagbabala laban dito. Nasaad dito na ang simula ng Kalipunang Islam na ito ay nagtamo ng kabutihan at kaligtasan sa mga pagsubok at dadapuan naman ang panghuli ng Kalipunang ito ng kasamaan at pagsubok, na gagawin nito ang darating na tukso na magiging mabigat kaysa sa naunang tukso. Ang kaligtasan mula sa mga ito ay sa pamamagitan ng Tawḥīd, pagkapit sa Sunnah, kagandahan ng pakikitungo sa mga tao, pagtupad sa pangako ng katapatan sa namamahala, hindi paghihimagsik laban sa kanya, at pakikipaglaban sa sinumang nagnanais na sirain ang kaisahan ng mga Muslim.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bosniyo Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano
Paglalahad ng mga salin