+ -

عن مَعقِلِ بن يَسار المُزَنِيّ رضي الله عنه قال: إني سمعت رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول:
«مَا مِنْ عَبْدٍ يَسْتَرْعِيهِ اللهُ رَعِيَّةً، يَمُوتُ يَوْمَ يَمُوتُ وَهُوَ غَاشٌّ لِرَعِيَّتِهِ، إِلَّا حَرَّمَ اللهُ عَلَيْهِ الْجَنَّةَ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 142]
المزيــد ...

Ayon kay Ma`qil bin Yasār Al-Muznīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Tunay na ako ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Walang anumang tao na pinamamahala ni Allāh sa nasasakupan, na mamamatay sa araw na mamamatay siya habang siya ay nandaraya sa pinamamahalaan niya malibang magbabawal si Allāh sa kanya ng Paraiso."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 142]

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang bawat isa ay ginawa ni Allāh bilang tagapamahala at responsable sa mga tao, maging ito man ay isang pampublikong pamamahala gaya ng pinuno o pampribadong pamamahala gaya ng lalaki sa bahay niya at ng babae sa bahay nito. Kapag nagkulang siya sa karapatan ng nasasakupan niya at nandaya siya rito at hindi nagpakatapat dito kaya naman winala ang mga karapatan nitong panrelihiyon at pangmundo, magiging karapat-dapat nga siya sa matinding kaparusahang ito.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka الفولانية Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية الجورجية اللينجالا المقدونية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang bantang ito ay hindi natatangi sa kataas-taasang pinuno at mga kinatawan niya; bagkus ito ay pangkalahatan sa bawat sinumang pinamahala ni Allāh ng nasasakupan.
  2. Ang kinakailangan sa bawat sinumang namahala ng anuman sa nauukol sa mga Muslim na magpakatapat sa kanila, na magsumikap sa pagganap ng ipinagkatiwalang tungkulin, at na mag-ingat laban sa kataksilan.
  3. Ang bigat ng pananagutan ng bawat sinumang namamahala sa nasasakupang pampubliko o pampribado, na malaki o maliit.