أنَّ عَائِذَ بن عَمْرو رضي الله عنه دَخَل على عُبَيد الله بن زياد، فقال: أي بُنَيَّ، إِنِّي سَمِعت رَسُول الله صلى الله عليه وسلم يقول: «إِنَّ شَرَّ الرِّعَاءِ الحُطَمَةُ» فَإِيَّاك أَن تَكُون مِنهُم، فقال له: اجْلِس فَإِنَّما أَنْت مِن نُخَالَةِ أَصحَاب محمَّد صلى الله عليه وسلم فقال: وهل كَانَت لَهُم نُخَالَة؟! إِنَّمَا كَانَت النُخَالَة بَعدَهُم وَفِي غَيرِهِم.
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Katotohanang si `A-iz bin `Amr-malugod si Allah sa kanya-ay pumasok kay `Ubaydallah bin Ziyad;Nagsabi siya: O Anak ko,Tunay na narinig ko ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagsasabi: ((Katotohanan ang pinakamasamang Pastol ay yaong marahas)) Kaya`t iwasan mong mapabilang ka sa kanila,Ang sabi niya sa kanya:Maupo ka,sapagkat tunay na ikaw ay kabilang lamang sa mga tira-tira mula sa kasamahan ni Muhammad-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Nagsabi siya:At sa kanila ba ay mayroong tira-tira,Tunay na ang tira-tira ay sa mga sumunod sa kanila at iba sa kanila)
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Pumasok si `A-ez bin `Amr-malugod si Allah sa kanya-kay `Ubaudallah bin Ziyad,at siya ang namumuno sa mga Taga Iraq pagkatapos ng Ama niya,Nagsabi siya:" Katotohanan narinig ko sa Sugo ni Allah na nagsasabi:Katotohanan ang pinakamasamang pastol ay yaong Marahas", At ang Marahas: Siya ang mahigpit sa pag-aalaga ng mga tupa sa tindahan,At sa pagpapatipon at sa pagpapawala,at itinatapon ang bawat isa rito at inaabuso ito.Ihinalintulad halimbawa niya ito sa isang namumuno sa tindahan,At ng tinutukoy rito ay ang,Masakit na pananalita na hindi makatarungan sa kanila,at hindi pagiging mahabagin at maawain sa kanila.At ang pagsabi niya na:(Iwasan mo na mapabilang ka sa kanila) ay mula sa pananalita ni `A-ez bilang pagpapayo kay Ibn Ziyad.At walang ibang ginawa si Ziyad kundi sagutin siya: (Tunay na ikaw ay kabilang lamang sa mga tira-tira nila) ibig sabihin ay hindi ka kabilang sa mga Tanyag mula sa kanila,at sa may Kaalaman sa kanila,at sa mga Taong may kakayahan mula sa kanila,ngunit ikaw ay kabilang sa mga tira-tira lamang nila,At ang [salitang] Tira-tira rito ay hiram [na salita] mula sa pagsasala ng Harina at siya ay basura nito,At ang tira-tira,marumi,at hindi kailangan, ay iisa lang ang kahulugan.Ang pagkasabi niya na:Ibinalik ito ng marangal na kasamahan ng Propeta-malugod si Allah sa kanya:( At sa kanila ba ay mayroong tira-tira,Tunay na ang tira-tira ay sa mga sumunod sa kanila at iba sa kanila).At ito ay mula sa dalisay na pananalita,at sa napakalinaw niyang [pagpapahayag] at pagiging tapat niya na siyang magiging gabay ng bawat Muslim,Sapagkat ang mga kasamahan ng Propeta,malugod si Allah sa kanila-Silang lahat ay [tinaguriang] pinakapili [sa lahat ng mabuting tao] at Pinuno ng Ummah [Nasyon],at ang Pinakamainam sa mga taong sumunod sa kanila,At lahat sila ay Makatarungan,Tinutularan,at walang tira-tira sa kanila,Dumating lamang ang paghahalo,mula sa mga taong kasunod nila at sa mga taong sumunod pakatapos nila.