عن عائشة رضي الله عنها قَالَتْ: سَمِعْتُ رَسُولَ اللهِ -صَلّى اللهُ عَلَيْهِ وسَلَّم- يقُولُ في بيتي هَذَا: «اللهم من وَلِيَ من أمر أمتي شيئًا فَشَقَّ عليهم، فَاشْقُقْ عليه، ومن وَلِيَ من أمر أمتي شيئًا فَرَفَقَ بهم، فَارْفُقْ به».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya: "O Allah, ang sinumang namahala sa kapakanan ng Kalipunan ko ng anuman at nagmalupit siya sa kanila, magmalupit Ka sa kanya; ang sinumang namahala sa kapakanan ng Kalipunan ko ng anuman at naglumanay siya sa kanila, maglumanay Ka sa kanya."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Sa ḥadīth na ito ay may paglilinaw sa bigat ng pananagutan ng pamamahala. Dumalangin nga ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na ang sinumang namahala sa kapakanan ng mga tao ng anuman at siniil niya sila ay pakitunguhan ni Allah ng katulad; at ang sinumang nakitungo sa kanila ng may katarungan, pagkapantay-pantay, awa, at kabanayaran ay gantihan Niya ito roon. Ang ganti ay kauri ng ginawa.